Tumingin si Ashton sa akin bago kumuha. Ngumiti siya nang bahagya. “Thanks, Mom! You’re the best!” papuri pa ni Ashton sa ina. Hinalikan naman siya nito sa pisngi. “It’s my pleasure, baby…” tumingin siya sa paligid. “This is nice. We are all here together.” “Tama, kunmain na lang tayo at lalamig na ang mga pagkain,” sang-ayon ni Sir Marcus sa asawa niya. Ngayon lang ito nagsalita. Kinabukasan, pagkagaling ko sa school dumiretso muna ako sa apartment bago pumunta sa ospital. Nagluto ako ng request ni Ashton na sinigang. Tapos nagluto rin ako ng ginisang sayote na may giniling na baboy. Pagdating ko sa kuwarto niya at naamoy niya ang dala ko…para na naman siyang nanalo ulit ng championship. “Ang bango,” seryoso niyang sabi. “Tikman mo muna bago ka mag-react.” Pero sa unang subo pa l

