Napansin kong nakahiga ako sa isang kama. Manipis ang foam, kaya ramdam ko ang kahoy sa ilalim. Bigla akong napabangon. Nanumbalik sa isip ko ang lahat. Iyong kotseng mabilis na huminto sa tabi ko. Ang malalaking kamay na humablot at nagpasok sa akin sa sasakyan. Iyong basang tela sa bibig at ilong ko. Napahawak ako sa ilong ko. Para bang naaamoy ko pa rin iyong kemikal. Nanikip ang dibdib ko. Nasaan ako? Mabilis kong tiningnan ang paligid. Isang maliit na kuwarto ang kinalalagyan ko. Walang bintana. Wala ring cabinet o kurtina man lang. May isang plastik na upuan sa tabi ng maliit na mesa na may basag ang sulok. May bote ng tubig sa ibabaw na kalahati ang laman. Iyon lang. Parang kuwarto na hindi tinirahan… kundi lugar lang ng panandaliang pamamahinga. Tumayo ako agad. Medyo umal

