“Lita, sabihin mo kay Sir Marcus mo bumaba muna rito. Now,” utos niya, hindi na maitago ang tensyon sa boses. “Y-Yes, Ma’am.” Halos tumakbo ang kasambahay papunta sa study room. Nakalimutan na nitong gamitin ang elevator para mas mapabilis sana ang pag-akyat niya roon. Ashton was already dialing another number. “Kuya Asher.” Isang nag-aalalang tawag lang, pero sapat para maintindihan ng kapatid ang bigat niyon. “What?” tanong nito agad. Tila nahihimigan ang pag-aalala sa boses ng kapatid. “Did something happen to you?” “Aviona’s missing. Her phone and bag were left on the road. I’m sending you the location.” Ilang segundo lang ay sumagot na agad si Asher sa kabilang linya. “I’m on my way.” Tinapos ni Ashton ang tawag at pilit na umusod palapit sa gilid ng sofa. Muling kumirot ang t

