Pero… may narinig akong mahinang click. Napakunot ang noo ko. Naka-lock ang pinto, sigurado ako. Pero dahan-dahan itong bumukas. Napatayo ako agad at kinabahan. “Sino po ang nandiyan?!” bulalas ko. Baka bumalik iyong katulong at may sasabihin. Pero bakit hindi man lang kumatok? At doon ko nakita ang pamilyar na pigura na nakaupo sa automatic wheelchair niya. Si Ashton. Nakasuot ng dark lounge shirt, medyo gusot ang buhok, pero may nakakalokong ngiti sa mga labi. Umikot ang mga mata ko. “Seriously?” Umusad siya papasok, parang walang pakialam. Kusang nagsara ang pinto sa likod niya. Tapos ay ini-lock niya ito kaya napanganga ako. “Advanced ang bahay namin,” kaswal niyang sabi. “Fingerprint at override system. Hindi ka talaga mananalo rito.” “Tsk. Ang tinatanong ko, bakit ka na nama

