“Table twelve,” bulong ni Melody sa akin. “Ingat ka.” Tumango ako pero kumunot din ang noo. Paglapit namin para kunin ang order, doon ko agad naramdaman ang ibang klase ng tingin nila. Hindi basta titig… kundi iyong tingin na para kang hinuhubaran. Sa mga ganitong eksena pa naman ako naiirita. “Miss,” sabi ng isa, medyo nakakaloko pa ang ngisi niya, pero nanatili kaming kalmado. “Ikaw na lang ang mag-serve sa amin, ha?” Pilit akong ngumiti, propesyonal ang dating. “Okay, Sir. I’ll take your orders po.” Pero habang nagsasalita sila, unti-unting nag-iiba ang tono. “Ang ganda mo pala sa malapitan, Miss. Anong pangalan mo?” tanong ng isa. “Aviona po,” magalang ko namang sagot. “Miss, alam mo, bagay ka rito sa tabi ko,” sabi naman ng isa. Isang alanganing ngiti lang ang itinugon ko. “

