Doon ko nakita ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. Hindi naman galit pero halatang hindi rin natutuwa. Parang may gusto siyang ipahiwatig na kung ano. “Iyon nga ang gusto kong pag-usapan,” sabi niya. “Aviona… baka puwede mong pag-isipan ulit. Graduating na next semester ang mga batang ‘yon. Ang suspension na ibinigay ng school ay sapat na. At totoong nagsisisi naman na sila sa nagawa nila sa ‘yo. Nangako rin silang hindi na uulitin pa ang ganoon kahit kailan.” Parang may malamig na tubig na biglang ibinuhos sa ulo ko. Hindi ako makapaniwala sa pakiusap niya. Nagpuyos agad ang kalooban ko. “Sapat po?” ulit ko, hindi ko napigilang magtaas ng boses. “Sir, muntik na po nilang sirain ang buhay ko.” “Pero hindi naman nila nagawa,” sagot niya, kalmado pa rin. “Nabigo sila. At ngayon, k

