“Ashton!” sigaw ng isa. “Hindi ka man lang nag-chat!” sabi ng isa pa habang pasimpleng hinihila ang braso niya. Ngumiti si Ashton, simple lang… parang sanay na sanay sa ganitong eksena. Pero wala siyang sinagot ni isa sa kanila. At doon nila ako napansin. Hindi nila itinago ang pagtaas ng kilay. Kasunod niyon ay ang hagod ng tingin nila mula ulo hanggang paa. Hindi ako puwedeng magkamali, sanay na akong makakita ng ganoong mga klase ng tingin. Huminga ako nang malalim at iniiwas na lang ang tingin sa kanila. Hindi ko hahayaang masira ang gabi ko dahil sa kanila. “Sino siya?” “Kasama niya?” “Hindi naman bagay… mukhang yaya ni Aston.” “Mukhang hindi taga-rito.” Parang biglang piniga ang sikmura ko. Hindi ko kailangang marinig nang malinaw para maintindihan. Kita sa tingin pa lang a

