“In fairness… marunong pumili ng damit ang lalaking iyon, ah?” napapangiting sabi ko sa sarili. Pagkababa ko ng hagdan, unang tumambad sa akin si Ashton. Bahagya pa akong natigilan. Nakasandal siya sa kitchen counter, may hawak na baso ng kape. Gusot ang itim niyang T-shirt na parang ilang beses nang nilabhan pero lalo lang nagpatingkad sa kaguwapuhan niya. May punit pa sa bandang manggas. Naka-ripped jeans siya at rubber shoes na sa unang tingin pa lang ay alam mo nang hindi basta-basta ang presyo. Ang rugged ng looks niya. Pero grabe, ang lakas ng dating. Bigla kong na-imagine iyong mga guwapong bad boy na nababasa ko sa mga nobela. Nang mapansin niya ako, bigla siyang tumigil sa pag-inom. Unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. “Well,” mabagal niyang sabi, hinagod ako ng t

