“No one dares to mess with my girl,” bulong niya sa sarili. “You’re going to pay a hundred times over!” At sa sandaling iyon, nagsimula nang umandar ang katuparan ng mga bagay na hindi na kayang pigilan ng kahit sinong dean, guro, o estudyante. Gabi na nang dumating ang pitong estudyante sa lugar na hindi man lang nila alam kung saan sila dinala. Isang abandoned factory iyon sa gitna ng kawalan… sira ang bubong, kalawangin ang mga bakal, at iisang ilaw lang ang nakasindi sa gitna ng malawak na espasyo. Tahimik ang buong lugar. Nakabibingi ang katahimikan. May humatak sa kanila pababa ng van. “Please… please po… sino po ba kayo? Bakit niyo kami dinala rito?!” umiiyak na tanong ng isa sa mga babae. Walang sumagot. Ang mga lalaking humila sa kanila ay pawang naka-bonnet. Tanging ang mg

