“Are you okay?” tanong niya. “You look so tired.” Natawa ako nang mahina. “Pwede bang sabihin… sobrang pagod?” May kung anong dumaan sa mga mata niya, parang anino ng galit, pero mabilis ding naglaho iyon. Ngumiti ulit siya, mas banayad. “Come then,” sabi niya. “Let’s get you out of here.” No questions. No pressure. Hinayaan ko siyang hawakan ang kamay ko at marahan akong hilain papunta sa sasakyan niya. Habang naglalakad kami, doon ko lang napansin kung gaano talaga ako kapagod. At kung gaano kalaking bagay na may isang taong naghihintay sa dulo ng bawat mahaba at mabigat na araw. Hindi siya gaanong nag-uusisa, kundi tila handang samahan lang ako. Pagbukas niya ng pinto para sa akin, bigla niya akong tinignan ulit. Mas seryoso ngayon, pero may lambing pa rin. “Kumain ka na ba?” tan

