Pagdating namin sa may gate, may pamilyar na boses na sumalubong sa amin. “Oy. Ayan na pala ang mga gangster ng campus.” Napalingon ako. Si Bobby… nakasandal sa railings, nakangisi at parang katatapos lang manood ng palabas o live shooting. “Gangster?” napakunot-noo si Melody. Tumawa si Bobby. “Girls, seryoso. Una, mga estudyanteng bully ang lumuhod sa harap niyo. Tapos ngayon, dean at professor naman? Kung hindi kayo boss level, ewan ko na lang.” Hindi ko napigilang samaan siya ng tingin. “Hindi nakakatawa, Bobby.” Pero mas lalo lang siyang natawa. “Relax. Observation lang. First time in history na may nangyaring ganiyan.” Sabagay. Kami nga mismo ay hindi akalaing magagawa nila iyon. Sino lang ba naman kami kumpara sa ibang mga nag-aaral dito? Mga iskolar lang naman kami na nagsis

