Busy lang siguro siya, pilit kong pang-aalo sa sarili ko. May sarili siyang buhay. Hindi sa akin umiikot ang mundo niya. Pero kahit anong pigil ko, may kirot pa ring nagsusumiksik sa dibdib ko. Hindi dahil gusto kong magreklamo. Kundi dahil sa unang pagkakataon matapos ang lahat ng nangyari… nararamdaman kong gusto ko sanang may magsabi sa akin na “Okay ka lang ba?” maliban kay Kuya at Melody. Pagdating ko sa bar, bumungad ang pamilyar na amoy ng alak at ilaw na medyo madilim. Isinuot ko ang apron ko, inayos ang buhok, at pilit na ngumiti sa mga kasamahan ko. “Okay ka lang ba?” tanong ng isang kasama ko. Wala si Melody ngayon dahil masama daw ang pakiramdam. Tumango ako. “Oo naman.” Pero habang nagbubukas ako ng bote at naglilinis ng counter, kusa akong napalingon sa pintuan. Wala

