Nang muli akong magising ay hapon na. Nasa tabi ko si Ashton at mahimbing ang tulog. Dinig ko ang mahihinang hilik niya. “Why so pogi, Ashton?” nabulong ko sa sarili habang tinititigan ang tulog niyang mukha. Nakaka-conscious ang kinis ng mukha ni Ashton. Wala man lang pores. Ang kakapal ng mga kilay at pilik-mata. Tapos ang ganda ng pagkakatangos ng ilong niya. Bumagay ito sa medyo makapal at mamula-mulang mga labi niya. “How long you’re going to stare?” Napasinghap ako sa gulat. Hindi ko namalayang gising na pala siya. Agad akong nag-iwas ng tingin. “Hindi kita tinititigan, ano!” tanggi ko. “Really?” hinila niya ako at niyakap. “Ang lambot-lambot mo talaga… ang sarap yakapin. Humigpit pa ang yakap niya sa akin. Pero napapitlag ako nang makarinig ng tunog ng doorbell. Kumunot na

