Maging ako ay napatango na rin, ngumiti lang sa akin si Ashton. “O, paano, mauuna na ako… maliligo pa ako para sa trabaho mamaya,” maya-maya ay paalam niya. Tumayo na rin ako. At ganoon din si Ashton. “Kita na lang tayo sa work mamaya,” sabi ko. Saka siya nilapitan at niyakap. “Thanks, Mel.” “Naku, kung hindi lang talaga kita mahal, eh!” niyakap na rin niya ako kaya napangiti ako. At nang ganap nang makaalis si Melody ay doon lang ako nakahinga nang maluwag. “Aviona…” “Hmm?” napalingon ako kay Ashton. “Nagtatrabaho naman ang Kuya mo… bakit kailangan mo pang mag-part time sa bar? Palagay ko ay kaya naman niyang suportahan ka?” seryosong tanong ni Ashton. Saglit na naumid ang dila ko at nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. “Iyan din ang sabi ni Kuya,” muli akong naupo. “Pero ako a

