At doon ako natigilan. Isa sa kanila ang agad kong nakilala. Siya. Siya iyong babaeng nakita ko kagabi… iyong kausap at katawanan ni Ashton sa labas ng bar. Iyong nakahapit na dress, confident ang lakad, at parang super close kay Ashton. “Congrats, Ash!” masiglang sabi nito, halos mapuno ang hallway ng boses niya. “You were amazing. As always.” Bago pa ako maka-react, niyakap niya si Ashton… walang pag-aalinlangan. Parang natural lang. Parang nakasanayan na. At ang mas masakit… hinagkan niya ito sa pisngi. Parang may bumundol sa dibdib ko. Bigla akong napahinto sa paglakad. Si Bobby rin, kusang huminto sa tabi ko, parang naramdaman ang pagbabago ng hangin. Bigla ay parang ayaw ko nang tumuloy na lumapit pa kay Ashton. Narinig kong may bumulong sa likod ko. “That’s Jannie Soralez

