Heartbeat - - Nagising ako sa ikalawang pagkakataon at nakabalik na ako sa kama ko. Nasa tabi ko na si mommy ngayon. Nakayuko ang ulo niya sa may paanang bahagi ko. Maingat akong bumangon para hindi ko siya magising. Napagod din siguro si mommy sa pagbabantay sa akin. - Naalala ko kaagad si Liam. Nahilo 'ata ako kanina nang makita ko ang pangalan niya sa labas ng pinto ng ICU. Kinabahan na ulit ako. Kaya wala sa sarili akong tumayo at lumabas ng silid. Mas kalmado na ako ngayon kompara kanina. Naisip ko na hindi naman lahat ng nasa ICU ay delikado ang buhay. Inisip ko na lang na ganito, para kahit papano ay maging kampante ako. - Huminga ako nang malamin at lumabas ng silid. Humakbang ako patungo sa silid ng ICU, na kung nasaan si Liam. Nang matapat ako sa pinto ay pinakiramdaman

