Maid

1469 Words
Kahit hirap akong hatakin siya ay pinipilit ko pa rin ang sariling makaladkad siya. Malaking tao siya, malaki ang bulto at bukod pa roon ay napakabigat din niya! Hirap na hirap akong mailayo siya sa lugar kung saan nagkalat ang mga puno. Pupuwede niya akong saktan na kahit sumigaw pa ay walang makakarinig. Bihirang madaaanan ng tao ang lugar na aming kinaroroonan. Bukod sa lubak-lubak pa ang daanan ay kung papatulan niya'y maaari pang mapahamak! "And how about my car?" Tumigil ako sa paghakbang. Nilingon ko siya na naging dahilan ng muling pagtititigan. Kinilabutan ako ng muling masilayan ang kulay abong mga mata nito. Bumuntong-hininga at tuluyan na itong hinarap. "Kung binabayaran mo na lang sana ang mga isda ko, e 'di sana ay wala na tayong problema ngayon. Pareho tayong uuwi ng tahimik." Pinameywangan ko siya. At sa inis ko, inirapan pa. "Mas lalong lalaki ang utang mo kung hahayaan nating iwan ang sasakyan ko, paano kung nakawin iyon?" "Walang magnanakaw sa lugar na ito. Baka sa lugar mo mayroon," muli kong tinapunan ng tingin ang kanyang sasakyan. Nangingintab pa rin naman ito. Nga lang, basa ang nguso ng kanyang sasakyan. Sa lansa ng mga isdang binato ko sa damit niya, naamoy ko na rin ang damit niyang basa, amoy malansa na rin ang lalaki at hindi na kayang ikubli ng kanyang mamahaling pabango ang amoy ng malansang isda. "You're so unbelievable, " umiling at umigting ang panga nito. Sa pagtitimpi ay madiin itong nakatitig sa lubak-lubak na kalsada. Mabuti na lang at hindi maulan, kasi kung sakali, maputik sana ang daraanan. Hahatakin ko na dapat uli siya, subalit natigil ako ng may pumarang traysikel sa amin. "Letecia," lumingon pa muna sa likuran si Manong Danny bago magpatuloy. "Magandang umaga ho, ano pong atin? Bibili ho kayo ng isda?" Napalatak ako. Kapag minamalas ka naman oo, anong sasabihin ko ngayon sa kanya? Na ibinuhos ko ang mga isda sa sasakyan ng mayabang na lalaking Ito?! "Sino yang kasama mo?" Sinilip pa nito ang malaking mama na nasa likuran ko. "Naku, huwag niyo na hong pansinin. Isa ho siyang estrangherong nagpapanggap na mayaman-" "Teka naman Letty," Napakunot-noo ako ng makita ang pagbibigay interes ni Mang Danny sa aking kasama. Bumaba pa siya sa menamanehong traysikel at maiging sinipat ang lalaki. Nagtataka rin ang hitsura ni Mang Danny. "May problema ho ba Manong?" "May pinapasuyo si kapitan sa akin e, yung kapatid niya kasing si Enrique," Tumango ako. Kaagad na naunawaan ang taong tinutukoy. Si Mr. Enrique Severino ay isang tagapagtanggol. Sa Manila ito nakabase. Mayaman ang angkan nito. Maraming lupain sa probinsiya at kilala bilang isang sikat negosyante. "May susunduin dapat ako malapit sa tulay. Ang kaso, mag-iisang oras na akong naghihintay…" "I'm Mateo Cole Dela Cerna," Marahan akong lumingon sa lalaking nasa aking likuran. Kinunutan ko siya ng noo. Muli ko pang inirapan. "Manahimik ka nga, itigil mo yang pagpapanggap mo. Alam mo, ilang beses na kaming nabudol dito a-" "Ako ang taong bibili sa lupain ni Mr. Severino. And if you don't believe me," umigting ang kanyang panga kasabay ng pagpasada sa damit niyang nilalangaw na! Napalunok ako, kung totoo man ito, ipakukulong ba niya ako?! "I'm sorry I'm late." Baling nito kay Manong Danny na tila natuklaw ng ahas. Halos malaglag rin ang panga sa labis na pagkamangha! "Kayo ho ang bibili sa mansiyon ng mga Severino, kasama na ang ilang lupain nila?" Napatanga ako. Bakit ipagbibili ng mga Severino ang mga lupain nila? Naghihirap na ba sila? At sa dinami-dami ng taong bibili, bakit sa mayabang, suwapang, at aroganteng lalaki pa!? "Sad to say yes…" Mas lalo akong napatanga sa pagsabog ng katotohanan sa aking harapan. Ibig sabihin, mawawalan na kami ng tirahan dahil nakasanla ang aming lupa sa mga Severino? Mawawalan na kami ng tirahan at ang masama ay sa mayabang na lalaking ito iyon mapupunta?! At ang masama, pinagdudahan ko pa?! Saan na kami ngayon titira? Saan kami pupulutin? "Kanina pa ho kayo hinihintay ng kapatid ni Mr. Enrique." Nabaling ang kanyang pansin kay Manong Danny. Balak ko sanang kumaripas ng takbo pero nahablot niya ang palapulsuhan ko! Gulat ang nabanaag ko sa mukha ni Manong Danny. Hinahatak ko ang palapulsuhan ko mula sa lalaki, pero mahigpit ang kapit niya dito at nahihirapan akong tanggalin ito! "E paano ho yung sasakyan niyo?" "My men will took care of it. Nothing to worry, let's go," Gusto kong maglumpasay sa galit. Nalugi na nga ako sa pagbebenta ng isda, napasama pa ang lagay! Baka tuluyan akong ipakulong ng lalaki. Baka habang-buhay ang sintensiya ko nito? Magkatabi kami sa upuan. Mas lalo kong naamoy ang malansang amoy ng isda. Dahil malaking tao siya nagkakadikit na ang aming mga katawan at nararamdaman ko ang init na nanggagaling mula sa kanyang balat. May ideya na ako kung saan kami tutungo. Mananahimik na lang, kahit napaka-ingay ng aking kaisipan! Gusto kong manlaban pero… "Damn…" nalingunan ko ang pagmumura niya. Nahabol ko ng tingin ang pagdapo ng langaw sa kanyang natutuyong damit. Mariin akong pumikit, may takot na dala at baka masisisi pa niya. Nanahimik na lang at hinayaan ang maingay na makina ng motorsiklong sinasakyan. Kagawad ng aming barangay si Manong Danny. Masipag, mabait, at madaling hingan ng tulong. Dati na siyang traysikel driver. Nagkaka-edad na, pero namamasada pa rin. Malakas na tumahip ang aking dibdib ng huminto ang traysikel sa labas ng bakuran nina kapitan. Kilalang-kilala ang pamilya namin ni kapitan dahil malaki ang aming pagkakautang sa kapatid niya. Nakasanla ang lupa ng bahay na tinitirhan namin sa kanyang kapatid. "We're here?" Ramdam ko ang pagdungaw sa akin ng lalaki. Hindi ko siya tiningnan. Nanahimik na lang at hinayaan ko na mauna siyang lumabas mula sa sinasakyang traysikel. Nakayuko lamang ako. Nahihiya dahil makikita na naman ni kapitan. Baka isipin pa nitong naririto akong muli dahil may kailangan na naman sa kanila. "Letty…" Parang sumipa ang puso ko sa pagtawag niya sa pangalan ko. Napakabanyaga na marinig ko ang aking pangalan na siya ang tumawag nito. At kaagad niyang nakabisa ang pangalan ko?! Sapilitan akong nag-angat ng tingin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil baka mahalata pa niya ang pamumula ng pisngi ko! Ang maaliwalas na bakuran nina kapitan ang aking nabungaran. Malawak na kalsada at malalayong pagitan ng mga bahay. Hitik na hitik pa rin sa bunga ang malaking mangga na nasa tabi ng kanilang kawayang tarangkahan. Napakasimple ng kanilang tahanan. Nasa dalawang palapag ito. Kulay bughaw ang pintura ng bahay na halatang bagong lapat lamang. "May kailangan ka kay kapitan?" Usisa pa ni Manong Danny. Umiling ako. Napipilitang bumaba dahil halatang naiinip ang lalaking pinagbabato ko ng isda. "She's with me-" Bumukas na ang kawayang tarangkahan. Nakangiti pa si kapitan. Ako panay ang iwas na hindi niya mapansin. "Salamat naman at nahanap mo na," malawak na ngiti ang iginawad ni kapitan sa mayabang na lalaki. Bakit kasi ako napasama dito? "O Letty, kumusta ka hija?" Lumunok ako at sapilitang ngumiti kay kapitan. Makakaiwas pa ba ako nito? "Ikaw ang nakapagturo sa bisita namin para makapunta rito-" Nabitin ang iling ko ng tugunin ng lalaki ang katanungan ni kapitan. "She's with me," kainis, bakit ba ako kinikilabutan sa boses niya? Nag-iinit pa ang pisngi sa tuwing madidinig ang pagsasalita niya ng banyaga! "Magkakilala kayo?" Nagtatakang tanong ni kapitan. Umiling ako kasabay ng pagsagot niya kay kapitan ng 'oo'. Nagpalipat-lipat ang tingin sa amin si kapitan… nagugulumihanan. " She's my maid." Ano?! Aba't ang yabang talaga nito! Anong maid? Gustong-gusto ko siyang sakalin, nahihiya lamang ako dahil nasa harapan namin si kapitan at si Manong Danny! "Anong maid?" Pagtitimpi kong saad. Iritable na ulit. "You are hired for today." Pinal na wika nito. Tirik na tirik na ang araw at kumikinang na ang kaputian ng balat nito sa ilalim ng nagliliyab na araw… Huh, naiinis ako pero hindi ko maiwasang papurihan ito! Sa tindi ng init, mas lalo pang nadedepina ang kapulahan ng labi nito! "Did I passed?" Anong pass? Bakit, halata ba ang pagkakamangha ko sa kanya?! Halata bang pinag-aaralan ko ang kabuoan niya?! "Can I borrow some clothes Sir?" Umirap ako. Mapagpanggap. Bakit kapag ako ang kaharap ay pinapatulan naman niya? Pero pagdating kay kapitan ay magalang naman pala?! Napalunok ako ng pasadahan ng tingin ni kapitan ang kanyang kasuotan. Kasama na ang nangingintab na kulay itim na sapatos. Ngayon ko lang napansin pati pala sapatos ay nabasa rin? Galing kaya ito sa tumutulong isda? May putik kasing kumapit at halatang natuyo na. "Can I use your bathroom Sir? I really needed to take a shower." Pigil ko ang hininga ng lingunin ako ni kapitan. "Letty," Pilit akong ngumiti at lihim na umismid sa lalaki. "Let's go." Hinawakan niya ako sa palapulsuhan. Gusto kong magpumiglas pero nahihiya ako kila kapitan, at nagpipigil din na umangal dahil baka magkapatong-patong pa ang mga reklamo sa akin ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD