Chapter 3

1019 Words
"Hayss.. naku girl, h'wag mo nang iyakan ang lalaki na 'yon. Makakarma rin 'yun." hirit ni Chloe. Hindi ko pa sinasabi sa kanila na kinuhaan ko ng video sina Lush. Hindi ko rin kasi alam kung kaya ko 'yon ikalat. "Tama, ito na lang ang pagtuunan mo ng pansin." May kinalkas sa kanyang bag si Zarina. Nang makita niya ito ay muli siyang tumingin sa akin at inangat ang hawak niya. Napahampas na lang ako sa noo ko ng makita ko ang hawak niyang shampoo na naka sachet. Alam ko kung ano ang shampoo na iyon dahil ini-endorse 'yon ni Axcel. Masakit sa ulo ang amoy at kahit hindi ko gusto ang amoy no'n ay bibili pa rin ako dahil kay Axcel. "Za, seriously?" frustrate kong tanong at inirapan siya. "Naka bili na ako niyan, yung nasa malaki. Pero aanhin ko naman ang shampoo ngayon? Yung totoo, lalaklakin ko para malagutan na ako ng hininga at hindi na mamroblema kay Lush? Mukha ba akong suicidal? Hindi ako magpapakamatay para sa kanya 'no, asa siya," mahaba kong litanya. Tinaasan niya naman ako ng kilay at saka siya tumawa. "Aira, wala ba kayong t.v sa bahay niyo? Tanong sa akin ni Chloe. Okay, mukhang ako lang ang hindi nakakaalam ng plano nila. "Malamang meron! Pero busy ako ngayon. Wala akong time manood ng t.v sa bahay," sagot ko at saka ko pinunasan ng panyo ang mukha ko dahil mukhang tapos naman na ang dramahan. "Kaya naman pala." Kinunutan ko lang ng noo yung sinabi ni Zarina. Mas inilapit niya pa sa mukha ko yung sachet ng shampoo at saka ito binaliktad. Nalaman ko na cover na lang pala iyon ng shampoo na tinanggal niya sa pagkakakabit. May mga code na nakalagay sa likod no'n na hindi ko maintindihan. Sf8T5dgj6Gf2f "Aanhin ko naman 'yan? Za, kahit titigan ko pa 'yan ng matagal, hindi ko pa rin alam kung ano ang iniisip niyo kaya sabihin niyo na sa akin." Inirapan niya naman ako saka siya umupo ng maayos. "May pa-raffle ang company ng shampoo na ito ngayon. At ang mananalo ay magkakaroon ng one week vacation sa isang isla sa palawan kasama ang baby Axcel mo." Automatic naman na nanlaki ang mga mata ko at kinuha ang sachet na hawak niya. Tinitigan ko pa ito ng mabuti. "P-Paano makakasali sa raffle?" nagmamadali kong tanong. Natawa naman silang dalawa sa naging reaksyon ko. "May instruction sa likod ng shampoo. Wait, kunin ko sa bag." Muli niyang kinalkal ang bag niya at ng makita ang hinahanap ay inilapag niya iyon sa harap ko. Mabilis ko naman itong kinuha at binasa ang nasa likod ng shampoo. "Para makasali ka, kailangan mo i-text ang code na nasa likod ng front cover ng shampoo sa number na nakalagay diyan kasama ang mga information mo. Name, age, contact number, and address," paliwanag ni Zarina kahit nababasa ko naman na. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinype ang mga kailangang information kasama ang code saka ko ito sinend sa number na nakalagay. Sent! Hindi ko naman mapigilan ang ngumiti dahil na fe-feel ko na mananalo ako ngayon. "Salamat!" pasasalamat ko sa kanila. "No problem. Pero mas maganda kung maraming code ang isesend mo. The more code you send, the more chance of winning. Ang winner ay i-a-announce next week sa t.v," paalala niya. Tumango-tango naman ako. Nawala na sa isip ko ang panlolokong ginawa sa akin ni Lush dahil pre-occupied na ang isip ko sa kung ano ang gagawin namin ni Axcel sa Palawan pagnanalo ako. Kailangan ko na 'yon paghandaan hanggat maaga pa. Sigurado ako na mananalo talaga ako. ------ "Ang dami mo namang biniling shampoo kahapon! May balak ka ba na magpatayo ng parlor?" nakapamewang na bati ni mama nang lumabas ako ng kuwarto. Dala ko na ang bag ko at naka-uniform na rin ako. Marami akong biniling shampoo kahapon na naka sachet kasama sina Zarina at Chloe. Dibaleng mabutas ang bulsa, wala namang mawawala dahil gumagamit naman ako ng shampoo. Naka dalawang malaking plastik rin kami na puro shampoo lang naman ang laman. "Pagbumili ng maraming shampoo magpapatayo agad ng parlor? Hindi ba pwedeng bumili lang ako ng pang one year supply natin ng shampoo?" Tinaasan naman ako ng kilay ni mama. Umupo muna ako sa sofa at saka ko inilabas ang liptint ko at ang maliit na salamin. "Tigil-tigilan mo ako sa pamimilosopo mo, Maria Aira. Baka mahampas kita ng tabo ng wala sa oras," sermon ni mama na katabi ko na ngayon sa sofa at nagtutupi ng damit na nilabhan niya kahapon. Naiinis talaga ako kapag tinatawag niya ako sa buo kong pangalan. Para akong makalumang babae. Yak! Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin kung maayos ba ang pagkakalagay ko ng liptint, ng makontento ay saka ko lamang hinarap si mama. "May pa-raffle ang kumpanya ng shampoo na ini-endorse ni Axcel. One week vacation sa Palawan ang matatanggap ng mananalo," paliwanag ko. Nilingon naman ako ni mama at kinilatis kung nagsasabi ako ng totoo. "So, sa tingin mo mananalo ka? Umasa ka pa. Yung ex mo nga pinaasa ka, 'yan pa kaya?" pang e-echos ni mama habang tuloy-tuloy sa pagtutupi. "Ang nega mo, ma! Saka bakit nadamay pati ex ko? Nananahimik na nga yung tao dinadamay niyo pa. Kapag kayo dinalaw no'n sa pagtulog h'wag kang tatakbo sa akin," biro ko at saka tumayo nang mailagay ko na ulit ang gamit ko sa bag. "Basta kapag ako ang nanalo, who you kayo sa akin." Tumawa pa ako na parang sa mangkukulam. "Naku! Unahin mo muna ang pag-aaral mo. Ang pag-aaral hindi ka paaasahin niyan. Hindi tulad ng raffle na binibida mo sa akin ngayon." Kinuha ko na ang baon ko na niluto ni mama at ipinasok ito sa bag. "Ma, honor student po ako. Nag-aaral ako ng mabuti at may matataas na grades. Hindi naman siguro masama kung magbakasyon naman ako kahit minsan lang." Nang makuha ko na ang bag ko sa sofa ay nagpaalam na ako kay mama at saka umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD