Chapter 5

1842 Words
Axcel's POV Ako si Axcel Azuela isa sa miyembro ng sikat na banda ngayon sa asia pero ngayon ay mas malala pa ako sa torpeng lalake dahil sa paggawa ko ng fake account, pag gamit ng ibang picture at pangi-stalk ko sa f*******: account ni Aira. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari sa akin. Hindi ko alam kung tama pa ba ito dahil sa tuwing makikita ko ang nakangite niyang mga mata at labi, napapangite na rin ako. Dahil lang sa mata at ngiti niya nagkakaganito na ako? In my entire life and 23 years of existence sa mundong ito, ngayon ko lang ginawa ang bagay na ito sa isang babae. Nagka-girlfriend ako dati pero never ko itong nagawa. Kung kelan ako tumanda saka pa ako naging ganito. Saklap! "Hala, 18 na siya? Parang hindi naman." Sambit ko sa sarili habang binabasa ang mga info na nakasulat sa sss niya. Gumawa ako ng dummy account para ma-add ko siya sa f*******:. And thankfully dahil inaccept niya. Napailing nalang ako at saka inilapag ang laptop sa mini table na nasa tabi ng kama ko. It's been one week simula nang makilala ko siya at halos araw-araw ay may nalalaman ako tungkol sa kanya. She's a typical girl na may gustong marating sa buhay and at the same time, gusto rin sumaya. And I'm thankful dahil isa ako sa rason kung bakit siya nagiging masaya. Lagi siyang nagpo-post about sa pa-raffle ng ini-endorse kong shampoo. Kung ako lang din ang papipiliin, siya at siya lang ang pipiliin ko. Sana nga ako na lang eh. Ilang beses ko na rin hiniling na sana siya nga talaga ang manalo. Ayoko sa iba dahil siya lang ang gusto ko and i don't even know why? Ngayon ko na realized na mahirap pala talaga maging sikat, hindi ka puwedeng mabuhay ng normal. Hindi rin naman kasi talaga namin inexpect na sisikat kami dahil noong una ay katuwaan lang talaga, hobby. Simpleng banda lang naman kami noon. Na-discover lang dahil lagi kaming tumutugtog sa mga event ng school. Hanggang sa ilabas ang una naming album. Nagulat nalang kami one day paggising namin ay marami nang nakakakilala sa amin at paulit-ulit na rin tinutugtog sa radio ang mga kanta namin. Doon na namin naisipang i-prioritize ang pagkanta. Hindi muna kami nagtrabaho at ngayon almost 3 years na kami sa industriya ng pagkanta. And up until now, hindi ko pa alam kung kailan namin maiisipang tumigil. Aware kaming lahat na may katapusan ang lahat ng bagay. Araw nga lumulubog, relasyon nga natatapos, 1D nga nagkawatak-watak, yung banda pa kaya namin? Alam naming lahat na darating ang panahon at maiisipan din naming tumigil. Maybe not now but soon. Si kuya Dhale ang nagbigay sa akin ng mga information about kay Aira. Hindi naman talaga siya nanghihingi ng kapalit pero everytime na may hihilingin ako sa kanya, kahit hindi niya sabihin, nagbibigay pa rin talaga ako bilang pasasalamat. At ang lagi kong ibinibigay na hindi niya pinagsasawaang tanggapin ay ang mga pinakamamahal niyang cookies. Maybe 4-5 box of cookies is enough? Hindi naman siguro siya mag ta-tae dun noh? Araw-araw niya namang kinakain eh. Hindi kami madalas magkita-kitang magkakapatid. May kanya-kanya na kaming mga buhay. Ang maganda sa aming magkakapatid, lagi kaming nagtutulungan sa lahat ng bagay. At ang pinaka-alamat, lahat kami ay single pa. Lahat sila ay ingat na ingat kaya until now wala pa ring asawa. Mga babaero kasi at gusto muna i-enjoy ang buhay kaya ayaw pang matali. Okay lang naman sa amin dahil buhay naman namin ito. "Ijo, nakahanda na ang tanghalian." sabi ni manang habang marahang kumakatok sa pintuan ng kuwarto ko. Malaki ang bahay namin pero malungkot dahil minsan lang kami makumpleto. Halos dalawang beses lang sa isang taon kami makumpleto. Madalas ay tuwing December. Bumaba na ako para kumain mag-isa. Mabilis lang ang ginawa kong pagkain dahil babalik pa ako sa studio dahil ipaparinig pa namin sa CEO ng recording company ang bago naming album. ______ Nakaupo na kaming lahat sa sofa, haqak na ng manager namin ang demo CD at nasa tapat namin ang player na nakapatong sa lamesita. Si Hyujin, Casper Dylan, EJ at ako ay nasa sofa at nakatungong lahat. Ito ang isa sa pinaka ayaw naming parte, masyado kasing honest ang CEO. Pag panget ang recordings, panget talaga. Pag ayaw niya, ayaw niya talaga at pag kulang o may something siyang gustong marinig, dapat dagdag. Hindi pwedeng hindi, after all sakanya naman ang kumpanyang ito at trabahador lang kami. Kaya pag may nangyaring hindi maganda, siya rin ang mag susuffer kaya inaayos niya ang lahat. We understand him, naiintindihan namin na para rin ito sa amin at sa kumpanya. Lumabas na sa office ang CEO at ngumiti agad sa amin si Manager Faith pero sa mukha namin ay walang mababakas na ngiti. Lahat kami kinakabahan. "So, let's start." paunang salita nito at doon na kami nag-angat ng tingin, binuksan na rin ni Manager Faith ang player at isinalpak na ang Demo CD namin. Isa-isa nang tumugtog ang kanta at hindi ko alam kung anong gagawin ko, boses ko ngayon ang naririnig ko kaya kinakabahan ako. Nang matapos ito ay pare-pareho lang kaming nagkakatinginan. Ang CEO kasi ay seryoso lang din na nakatingin sa amin. "Maganda, the background music, lyrics, it really hooks me...pero may kulang." nakangiwing kumento nito pagkatapos pakinggan ang recordings. "Ano po'ng kulang?" tanong ko pero umiling lang si Boss. "I don't know pero may kulang talaga, maybe a song? Kasi parang bitin. Kayo ang nakakaalam niyan kasi kayo ang gumawa and I know one of you alam kung ano ang kulang pero hindi niyo pa nai-internalize." sagot niya sa akin. Napatango ang mga ka-banda ko pero hindi ko matanggap ang naging kumento ni Boss. Alam ko sa sarili ko na maganda na ang kinalabasan ng album. We give our best para dito pero hindi pa rin pala sapat. "So medyo matatagalan po ang pag-release namin?" Tanong ni EJ. "Depende pa rin sa mga mangyayari at sa babaguhin o idadagdag niyo sa album. Para kasi 'yang pagkain, parang kanin na walang ulam. May kulang." inulit lang nito ang sinabi niya at tumango na ako. "Okay po Sir, thank you po. We'll set another meeting para po sa revisions na gagawin namin." Tumayo na kami isa-isa at kinuha ang CD sa player. Pagkalabas ay nakipag-apir sa akin si Hyujin at inakbayan naman kami ni Casper saka nagsimulang maglakad. "Hm.. Sa tingin niyo, ano kaya ang kulang?" tanong ni Manager Faith at nagkibit balikat lang kami. "Ah! Nga pala Axcel, ngayon na nga pala ang bunutan para sa 1 week vacation na pa-raffle." paalala niya sa'kin at tumango nalang ako, hindi ko naman iyon makakalimutan dahil sa dalawang rason. Una, dahil kailangan ko talaga ng bakasyon lalo pa't stress talaga ako. Pangalawa, dahil hinihiling ko lagi na sana si Aira ang mabunot. __________ Kinagabihan ay pumunta ako sa bar ng village namin. Wala pa rin ako sa mood simula kanina at hanggang ngayon. Inorder ko ang pinakamahal nilang alak. Siguro naman kapag uminom ako ay panandaliang mawawala ang problema ko, di'ba? "Axcel?" Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakita ko si Casie. Hindi pa naman ako nakakaisang bote, halos kalahati pa nga lang pero mukhang may tama na ata ako ng alak dahil iba na sa paningin ko si Casie. Parang biglang gumaan ang loob ko at 'di tulad dati na makita ko pa lang siya ay nagiinit na ang ulo ko. Crop top ang suot niya at apple cut na palda, hindi ko alam kung palda pa ba ang dapat itawag doon dahil halos makita na ang itinatago niya. Mas maganda kung hindi nalang siya nag damit. "Casie!" tawag ko rin sa kanya sabay ngiti. Mukha naman akong tanga nito, wala na akong kontrol sa sarili ko. Ilang minuto rin kaming nagkwentuhan about sa mga career namin at after nun ay niyaya niya akong sumayaw. Ngayon sigurado na ako na lasing na nga talaga ako dahil pumayag ako sa kanya na makipag sayaw. Nakaisang bote na ako at umorder pa si Casie ng isa at ibinigay sa akin na nakalahati ko na rin. Tumayo na kami at nagtungo sa gitna kasama ang iba pang tao na nagsasayaw. Maganda ang tugtog at halos lahat ay sumasayaw. Naramdaman ko na lang ang pagsanggi ng puwetan ni Casie sa harap ko, medyo nahihilo na ako kaya hinayaan ko nalang at nagtuloy-tuloy sa pagsayaw kahit pa halos tumayo na ang alaga ko dahil sa magkadikit naming katawan. Maganda si Casie, hindi ko nga lang ma-appreciate kapag wala akong tama ng alak. Mukhang delikado ako ngayon nito. ______________ Aira's POV Daig ko pa ang tumaya sa lotto sa sobrang kaba at excitement na nararamdaman ko ngayon habang na nonood ng T.V. Ipinapakita ngayon si Axcel na naliligo at gamit ang shampoo na ini-endorse niya. He's so damn hot! Feeling ko tuloy tumutulo na ang laway ko habang titig na titig ngayon sa katawan ni Axcel na basa ng tubig. Oh so hot and oh so yummy! Siguradong mas matindi pa sa nanalo sa lotto ang mabubunot sa raffle, pang gazillion ang presyo ng demi-god na ito teh! Jusqo, laglag talaga ang panty ko habang ipinapakita ang maputi, makinis at slim niyang katawan. Isama pa ang pinkish niyang n****e, ahhh! "So now, let's start to roll it. Viewers, sabay-sabay tayong magcount down! In five..." "Four..." "Three..." "Two..." "One..." "Let's roll it!" Kasabay nang pagsigaw ng host ay ang pagikot ng bilog na lalagyan kung saan nakalagay ang mga pangalan ng mga sumali sa raffle. Malaki ang lalagyan at halos mangalahati ang laman sa loob sa sobrang daming.entry. Lalo tuloy akong kinabahan dahil 50/50 kung mananalo ako o hindi. Aabot ata ng libo 'yon kung bibilangin lahat ng pangalan. Nang huminto sa pagikot ay saka ipinasok ng host ang kanyang kamay sa loob nito at hinalukay ang laman. Maya-maya pa ay may nabunot na siya. Inangat niya ito sa ere at ipinakita sa audience ang nagi-isang papel na nabunot niya. Shocks! Nararamdaman ko na talaga! Ako na toh! Ako ang mananalo! "And the winner of one week vacation with Axcel Azuela is..." Binuksan na ng host ang papel na nakatupi sa dalawa at nang makita ang nakasulat ay muli siyang tumingin sa camera at ngumiti. "From Valenzuela, Philippines! Congratulations Ma. Aira Algarve!" SHOCKS!! OMY!! OMG!! THAT'S ME!! AKO 'YUN! AKO! AKO ANG NANALO! WAAAAAAHHHHHH!!!!!! Nagtatalon at nag sisigaw ako sa tuwa. Halos mabulabog na ang mga kapitbahay namin dahil sa pagtili at pagsigaw ko sa sobrang saya. Nakita ko si mama na lumabas ng kuwarto nila at nagtataka ang mukha. Agad ko siyang niyakap at naluluha na ako habang ibinabalita ko sa kanya ang pagkapanalo ko. "Nanalo ako sa raffle! Kyaaaahhh! One week vacation na this!" sigaw ko at hindi mapigilan ang tumalon-talon habang yakap si mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD