"Leviathan," tawag ni Zhola sa kaibigan ng makita ang paggalaw ng kamay nito. Dahan-dahan iminulat ng binata ang kanyang mga mata hanggang sa tumambad sa kanya ang umiiyak na demoness. "Nasaan ako?" tanong ni Leviathan. "Nasa isla," sagot ni Zhola saka tinulungan ang binata na makaupo dahil na rin sa pagpupumilit nito. Nang ilibot ni Leviathan ang kanyang tingin sa kwarto ay unang umagaw sa atensyon n'ya ang picture frame na nakapatong sa bedside table. Litrato ng apat na babae ang makikitang masaya sa larawan. "Ilang araw akong tulog?" sunod na tanong nito na ngayon ay nakatangin na sa malaking sliding door kung saan makikita ang asul na asul na karagatan at malinis na dalampasigan sa labas. "Hindi araw kundi apat na buwan. Tulog ka ng apat na buwan Levi. Akala nga namin ay hindi ka
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


