"Here. Ito pa, kailangang ubusin mo 'yan." pahayag ni Elisha habang nilalagyan ng mga pagkain ang plato ni Teagan. "Ang dami nito." reklamo ni Teagan pero imbis na bawasan ang pagkain ay mas lalo pang dinagdagan ni Elisha ang pagkain nito. "Kailangan mong kumain ng madami. Tingnan mo ang katawan mo, nangangayayat ka na." giit ni Elisha na parang nanay na nagluwal kay Teagan. Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko habang pinapakinggan ang dalawa. Halos kainin na rin nina Fang at Fentris ang mga plato nila habang sarap na sarap sa niluto ko. "Anong okasyon?" tanong ni Fang habang ngumunguya pa. "Bakit ang dami mong niluto na pagkain?" "Sa inyong dalawa pa lang ni Fentris ay kulang na 'tong mga niluto ko." walang emosyon kong sagot sa kanya. Nabaling ang tingin ko kay Teagan na halatang walan

