EMILIA
Sa pagdating namin sa mundo ng mga diyablo ay agad din kaming naghiwalay ni Leviathan ng landas. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong tiwala sa batang 'yon. Kung ano man ang plano nila ni Beelzebub kay Teagan ay 'yon ang aalaamin ko. Hindi ko hahayang mapasakamay ng kahit na sinong diyablo ang anak ni Azazel.
Bumalik ang tunay na anyo ko bilang isang demoness. Isang anyo na matagal ko ng hindi nakikita. Ang kulay asul kong balat, malalaking pakpak, kamay at paa. Mahahabang sungay at braso. Matatalim na ngipin at mga kuko. Isang pagkatao na talaga namang kinasusuklaman ko pero may isang diyablo ang pumuri sa nakakasuya kong itsura.
Si Azazel.
Pinagsilbihan ko s'ya. Isang mabait na panginoon si Azazel kaya naman nahulog ang loob ko sa kanya. Ngunit sa pagdating n'ya sa mundo ng mga tao ay isang mortal ang nagpaibig sa kanya. Trish ang pangalan ng babaing bumihag sa puso ni Azazel. Hindi ko 'yon natanggap, napuno ako nang galit at pagkamunghi sa kanya. Plinano kong patayin ang mortal na iyon pero hindi ko nagawa lalo na nang malaman kong buntis ito.
Hindi nagtagal ang pagsasama ni Azazel at Trish. Nang araw nang kapanganakan ni Teagan ay s'ya ring pagbabalik ni Azazel sa mundo ng mga diyablo. Ginawa n'ya iyon para hindi na madamay pa ang kanyang mag-ina. Pinagbayaran n'ya ang kasalanang ginawa n'ya. Ngunit nagkamali s'ya, pinagpatuloy pa rin ng mga diyablo ang paghahanap sa mag-ina n'ya. Kasama ito sa parusa nila kay Azazel.
Matagal nang pinaghandaan ni Azazel ang paghuhukom sa kanya. Ginawa n'ya ang lahat para hindi mahanap ng mga diyablo ang mag-ina n'ya. Isa si Magdalene sa tumulong kay Azazel na alagaan ang mag-ina n'ya. Inutusan din ako ni Azazel na protektahan ang pamilya n'ya at kahit labag sa kalooban ko ay pumayag ako dahil mahal ko si Azazel.
Lumipad ako at binabaybay ko ang ilog Phlegethon.
(The Phlegethon is the river of fire.)
Napansin ko ang isang pamilyar na nilalang na nakasuot nang itim na telang kapa dahilan para matakpan ang buo n’yang katawan. Hawak n’ya ang isang kulay pulang kawit na kumikinang sa talim.
Bumababa ako sa kanyang harapan na siyang ikinagulat n'ya.
"Necrodeus?"
"Emily?" Inalis n'ya ang kapang nakatakip sa kanyang mukha.
Si Necrodeus ay isang Soul Reaper na matalik na kaibigan ni Azazel. Simula ng pumunta kami ni Azazel sa mundo ng mga tao ay nawalan na kami ng komunikasyon sa kanya.
Bilang isang Soul Reaper, tungkulin nitong sunduin ang mga makasalanang tao na mamatay na upang ipadala ang kaluluwa sa mundo ng mga diyablo o mas kilala rin na Impyerno.
"Matagal na panahon na rin Necrodeus." wika ko.
"Ano ang dahilan ng pagbabalik mo sa impyerno? Ang alam ng lahat ay patay ka na Emilia at 'yon din ang alam ni Dabura."
"Dahil sa anak ni Azazel." Halata sa mukha n'ya ang pag kabigla.
Matagal ng panahon ang lumipas at hindi ako sigurado kong mapagkakatiwalaan ko si Necrodeus pero sa mga kaalaman n'ya sa mundong ito ay siguradong matutulungan n'ya akong mahanap si Teagan.
"Totoo ngang nagkaroom ng anak si Azazel sa isang mortal. Kailangan mong mahanap sa lalong madaling panahon ang anak ni Azazel dahil kung hindi baka mahuli ang lahat."
"Matutulungan mo ba ako?"
"Ipagpatawad mo pero may trabaho akong dapat tapusin." Pagtanggi n’ya.
"Si Dabura?" tanong ko rito.
"Si Satanathos na ang kanyang pinagsisilbihan simula nang mawala sa trono si Azazel." pahayag ni Necrodeus.
Si Dabura ay isang demoness na Batibat. Isa rin s'yang dating alipin ni Azazel.
(Batibat, a female nightmare demon that causes death during sleep, associated with trees.)
Sa mundo ng mga diyablo kapag namatay ang iyong diyablong panginoon, ang lahat ng alipin ay kailangan ding mamatay. Ngunit kapag nawala naman sa trono ang pinagsisilbihan mong diyablo ay magiging malaya ang alipin sa pagpili nang bago nitong amo.
"Sina Satanathos, Astaroth at Beelzebub, may impormasyon ka ba sa plano nila sa anak ni Azazel?"
"May nabanggit si Dabura na napapadalas ang pag-uusap ni Satanathos at Cryto tungkol kay Azazel. Iyon lang ang impormasyong maibibigay ko sayo." pahayag ni Necrodeus bago s’ya maglaho ng tuluyan.
TEAGAN
Mabilis akong napabangon mula sa pagkakahiga nang bumungad sa pagmumukha ko ang mukha ni Haden. Dahil sa bigla kong pagbangon ay tumama ang noo ko sa ilong ni Haden. Plano n'ya bang halikan ako.
"Ah-ray!" daing ko habang hawak ang noo ko.
"Sh*t! Sh*t!" Nagtatatalong daing ni Haden habang hawak ang ilong n’ya.
"p*****t!" sigaw ko.
"p*****t? Ako? Tsk. Milady I'm just checking up on you. Para kasing nahihirapan kang huminga dahil sa malakas na paghilik mo." sagot n’ya na ikinabilog ng mga mata ko.
"For your information hindi ako humihilik!" asik ko rito.
"What the hell, Haden. Ano namang ginawa mo?" sabat nang isang chinitong lalaki. Lumapit s’ya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Zennon, Milady." wika n’ya sabay halik sa likod ng kamay ko.
"Nasaan nga pala ako?" tanong ko. Gusto ko lang kompirmahin kung nasa lungga pa rin ba ako ni Astaroth.
"Sa palasyo ni Astaroth." sagot ni Zenon. Malalim akong napabuntong hininga dahil sa narinig ko. Gusto ko nang umalis dito.
"Milady! Saan ka pupunta. Mapanganib para sayo ang lumabas ng palasyo ni Astaroth." pagpigil sa akin ni Zenon.
"Gusto ko ng umuwi! Huwag n'yo akong pigilan!"
"Malalagot kami kay Astaroth kapag nalaman n’yang pinatakas ka namin. Hindi mo pa nakikitang magalit ang diyablo na 'yon." saad naman ni Haden.
"Patayin n'yo na lang ako kung hindi rin lang naman ako makakaalis sa lugar na to!" mangiyak-ngiyak kong saad habang mabilis na naglalakad palayo sa dalawa.
"Ganito na lang, ipapasyal ka namin dito sa mundo ng mga diyablo. Kapag hindi mo nagustuhan ang mga lugar na ipapakita namin sayo ay kami na mismo ang makikiusap kay Astaroth na pauwiin ka na." pahayag ni Zenon.
"T-Teka. Sigurado ka ba?" pabulong na tanong ni Haden kay Zenon.
"Omuoo ka na lang." bulong pabalik ni Zenon. Mukhang hindi rin ito sigurado sa desisyon n'ya.
"Fine. Tara na't mag-fieldtrip sa Demon World." anunsyo ni Haden na sumangayon na rin sa plano ng kasamahan.
***
"T-Tiyanak!" Mabilis akong nagtago sa likuran ng dalawa nang makita ang napakapangit na baby na nakita ko.
"Hahahah! Cambion ang tawag sa kanila..." panimula ni Haden. Nang ilibot ko ang paningin ko sa paligid ay napapaligiran pala kami nito. Mas lalo akong napakapit sa damit ng dalawa dahil sa takot na baka sunggaban ako ng mga ito. "...kalahating diyablo rin sila."
(Cambion The offspring of a human and a succubus or an incubus.)
"Kagaya ko? Ba’t ganyan ang mga itsura nila? Don't tell me ganyan ako kapangit nung bata pa ako."
"Hahahah. Parehas nga kayo kalahating diyablo pero iba pa rin pagdating sa ama't ina. Ang Cambion ay anak ng succubus o incubus at mortal. Mababang uri lang ng demonyo ang succubus o incubus na kapag nagkaroon ng anak sa mortal ang kalalabasan ay abnormal na diyablo." paliwanag ni Zennon.
(Succubus is a female demon who takes the appearance of a beautiful woman in order to seduce men.)
(Incubus A male demon that attempts to have s****l relations with people while they sleep.)
"Paano naman ako? So hindi ako abnormal?"
"Isang maharlikang diyablo ang ama mo. Kapag nagkaroon ng supling ang maharlikang diyablo at mortal ang kalalabasan ay mortal na tao sa umpisa pero sa pag-apak mo sa tamang edad ang dugong dumadaloy sayo ay maglalaban at kung kaninong dugo ang mas malakas ay iyon ang magiging kapalaran mo." paliwanag naman ni Haden. "Pero mas malakas ang dugo ng diyablo kesa sa mortal kaya naman maari kang maging full pledge demon kapag 18 ka na." dagdag pa n’ya.
"Isa ka ring peligro sa mundong ito. Kaya gumawa ng batas na bawal umibig ang isang maharlika at magkaroon ng anak sa mortal dahil ang kalahating maharlika ay mayroong napakalakas na kapangyarihan na maaring sumira sa aming mundo."
Bago pa kami atakihin ng isa sa mga tiyanak ay hinawakan na ng dalawa ang magkabila ko kamay at napadpad na naman kung saang parte ng demon world.
"ANO TO?!" sigaw na tanong ko. Hindi dahil sa galit ako. Masyado lang talagang maingay sa lugar na napuntahan namin pero nasa tapat lang kami ng isang napakalaking bakal na pinto.
"FIELDS OF PUNISHMENT ANG TAWAG SA LOOB NG PINTO NA YAN!" balik na sigaw sa akin ni Zennon.
(The Fields of Punishment was a place for those who had created havoc on the world and committed crimes.)
"D'YAN BINIBIGYANG PARUSA ANG TAONG NAMATAY NA MAYROONG GINAWANG MABIGAT NA KASALANAN AT ANG PARUSANG IBIBIGAY SA KANYA AY KATUMBAS NG GINAWA N'YANG KASALANAN NG NABUBUHAY PA SYA!" dagdag pa ni Zennon.
Sunod naman naming pinuntahan ay... "Ano naman 'to?"
'Yong pinuntahan kasi namin ay patag na lugar lang. Parang malawak na soccer field. Patay nga lang ang mga damu pero hindi maipagkakailang maganda ang lugar na 'to dahil sa pulang buwan na nagbibigay liwanag dito.
"Crystallum Meadow ang tawag dito. Nag-iisang lugar sa mundo ng mga diyablo na tahimik." Hinila ako ng dalawa hanggang sa makarating kami sa gitna ng field.
"Magpahinga muna tayo." Saad ni Haden saka nahiga sa gitna. Naupo na rin kaming dalawa ni Zenon sa tabi n'ya habang pinagmamasdan ang pulang buwan.
"Siguro ay nag-aalala na sila sa akin. Gaano ba kabilis ang oras sa mundong 'to? "
"Kung kahapon ka umalis sa mundo ng mga mortal ay limang buwan ka nang nawawala dun." pahayag ni Haden na ikinagulat ko.
Ang bilis pala ng oras sa mundo ng mga tao samantalang dito sa mundo ng mga diyablo ay mag-iisang araw pa lang ako.