ELISHA "A-Anong nangyari rito?" hindi makapaniwalang tanong ko nang makita ang sinapit nang palasyo ni Azazel. Maraming nagkalat na katawan ng mga diyablo at wasak din ang gitnang bahagi nito. Malakas na kapangyarihanang kailangan para magawa ng diyablong mahati sa gitna ang palasyong 'to. Nakakapanindig balahibo ang sitwasyon ng buong lugar. Nasa impyerno na kami pero understatement ang salitang 'yon kapag nakita mo nang personal ang teritoryo ni Azazel. "Tanging isang makapangyarihang diyablo lang ang kayang gumawa nito." pahayag ni Sebastian na s'yang kasama ko sa mga oras na 'to. "Si Teagan," usal ko. Alam kong may kakayahan na s'yang gawin 'to dahil sa malakas n'yang kapangyarihan ngayon. Naglakad papasok nang palasyo si Sebastian kaya naman agad ko s'yang sinundan. Diresto lang

