Nasa magkabilang gilid ni Teagan sina Beelzebub at Astaroth, hawak nila ang kani-kanilang mga sandata at nakahandang labanan ang mapangwasak na presensya ng dalaga. Patay na ang kalahati sa mga alipin ni Beelzebub habang ang iba naman ay tumakbo na papalayo sa kanilang nakaabang na kamatayan mula sa anak ni Azazel. Ang dating anyong bata ni Beelzebub ay napalitan ng diyablong katawan ganun din ang katawan ni Astaroth na mas malaki na ngayon kesa sa palasyo ni Beelzebub. Gusto mang patayin ni Beelzebub si Astaroth dahil sa pagwasak nito sa kanyang trono nang magpalit ito sa higante nitong anyo ay hindi n'ya muna gagawin. Sa ngayon ay hindi si Astaroth ang kalaban n'ya kundi ang kalahating diyablo. Mayroong hawak na gintong kawit si Beelzebub samantalang gintong espada naman ang gamit ng

