"Bakit hindi sinasagot ni tatay, May nangyari na banag masama?" Tanong ko sa aking sarili habang papalakad papunta sa dalampasigan.
"Ay!!!" Sigaw ko habang papaharap sa kinaroroonan ng nakakabinging ingay at malakas na hangin mula sa likuras ko.
Pagkalingon ko sa aking likuran ay may pababa na helicopter na malapit lamang sa kinaroroonan ko.
Agad kong inayos ang buhok ko upang makita ko ng maayos kung ano ang pakay nito.
Nakita ko papalapit si Oliver at odie kung saan naroon ako.
"Alyssa, i have to go, May kaylangan pa akong asikasuhin." Sambit nito ng nakangiti saakin.
"Salamat nga pala oliver sa pag save mo sakin," Sabi ko sa kanya.
"Okay lang yon, Equal lang tayo, Salamat din sa niluto mo, Wag mong patabain masyado tong kuya ko ha?" Tumingin muna ito sa kapatid niya at sabay ngiti nito sa akin.
Hindi ko sinagot ang sinabi nito sa halip ay binalikan ko lamang siya ng mga ngiti.
Habang pasakay si Oliver sa helicopter, Muli siyang napatingin sa amin, Nagtaas ng kamay si odie senyales ng kanyang pamamaalam dito.
Itinaas ko rin ang aking kamay bilang pamamaalam din dito.
Nang makaalis na ang sinasakyan ni oliver, Tumalikod ako palayo kay odie.
Naglakad ako ng naglakad hanggang sa makalayo ako dito.
Naisipan kong umakyat sa bundok sa may likod lamang ng bahay na pinag iistayan naming dalawa.
May kataasan din iyon kung kaya may trenta minutos din ang paglalakbay,
Depende pa sa kung gaano kabilis ang iyong paglalakad paakyat sa pinaka taas nito.
"Malapit na Alyssa! Makakalayo ka rin sa taong nananakit sayo!" Sabi ko ng may panggigigil.
"YESSSSSS!!!" sigaw ko ng malakas habang nagpupunas ng pawisan kong mukha at katawan.
"AHHHHHH!!! WAHHHH! BAKIT AKO PAAAAA! Ha.. hu. hu!" Hingal na sigaw ko ng malakas ngunit pinipigilan kong umiyak.
"BAKIT AKO PA! BAKIT AKO PA ANG BINIGYAN MO NG GANITONG PROBLEMA!!! AYAW MO BA AK-AKO PAGPAHINGAHIN?! HAAAA?" sigaw kong muli sa kawalan.
"AYAW MO BA AKONG MAGING MASAYA!!? NAPAKA SELFISH MO!!!" sabi ko ulit habang nakatingin sa kalangitan.
Sa pagkakataong ito, Gustuhin ko mang pigilan ang sarili ko na huwag umiyak ngunit sadyang hindi ko na mapigilan ang sakit na aking nararamdaman.
Gusto ko ng sumabog sa sobrang sakit, Dahil sa hindi ko malamang dahilan kung bakit ko kaylangan maramdaman ang ganito kahirap na sitwasyon sa buong buhay ko.
"ANO BANG GINAWA KONG MASAMA? WALA NAMAN DIBA? NAGING MABUTI AKONG ANAK! KAYBIGAN! AT KAPATID! BUONG BUHAY KO ISINUKO KO NA LAHAT SAYO PERO HETO AKO!!! PINAPAHIRAPAN MO!!!"
Tuloy tuloy kong sigaw sa buong lugar kasabay ng tuloy-tuloy na pag-agos ng luha sa mga mata ko,
Hindi ko na makita ng malinaw ang lahat, At hindi ko na mapigilan ang ginagawa ko,
Wala na akong pakealam kung maubusan ako ng luha o maubusan man ako ng salita o mamaos ang boses ko, Ang mahalaga lamang sakin sa oras na ito,
Ay mailabas ko ang hinanakit ng puso ko.
Pakiramdam ko, Gusto kong ilabas at isigaw ng malaya ang hirap na nararamdaman ng buong pagkatao ko.
Wala akong masabihan at wala akong makausap tanging ang kalikasan lamang ang bukod tanging gusto kong pagkatiwalaan sa lahat.
Mag iisang oras akong namalagi roon, At wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak at pagmasdan ang kabuuan isla.
Nang mahimasmasan ay naramdaman ko ang luwag ng aking pakiramdam.
Muli kong naalala ang aking ina kung kaya ay,
Sinubukan kong muling tawagan si tatay ngunit hindi parin niya iyon sinasagot.
"TATAY! Ano ba naman kayo! Pati ba naman kayo tinalikuran na ako?" sabi ko ng makailang tawag na ako dito.
Napahilamos na lamang ako sa aking mukha gamit ang aking mga kamay kasabay noon ay ang paghinga ko ng malalim at pagbuga ko nito.
Iniayos ko na ang aking buhok at nagtanggal na muna ng damit upang hindi matuyo ang pawis sa aking katawan.
"Ano na kaya nangyayari kila tatay! bakit hindi niya ako tinawagan ulit!" Sabi ko habang ipinupunas ang aking pinaghubarang damit.
"Wag ka mag alala tatawag din yon," Sabi ng maskuladong boses ng isang lalake sa likuran ko.
Pagtingin ko doon, Nakita kong nakasandal sa batuhan si odie na nakaputing t-shirt at naka gray loose pants, Napakallinis at napakabango nitong tignan.
Kahit pa umakyat din ito dito sa itaas ay hindi parin halatang napagod iyon o pinagpawisan manlang.
"May mahalaga lang daw gagawin si tatay red, Baka bukas tawagan ka ulit noon." Sabi muli nito.
"Kanina ka pa dyan?" Masungit na tanong ko rito.
Kinuha niya ang damit na hawak ko at pinatalikod ako sa kanay, At dahan dahan nitong pinunasan ang aking likuran.
"Mhmmm," Sagot nito saakin.
"Sinundan kita," Maikling sagot nito
"Sinundan mo ako dito? Bakit? Sinabi ko bang sumunod ka?" Masungit na tanong ko rito.
"Baka kasi iwan mo ulit ako tapos may mangyaring masama ulit sayo,... Hindi ko na kayang malaman na mapahamak ka ng wala akong magawa," dugtong nito sa kanyang sinabi.
Dahan-dahan akong humarap sa kanaya matapos niya iyong sabihin sa akin.
Namilog ang mga mata ko ng makita ko ang mga mata nitong nanunubig at ano mang oras ay pwede na itong bumagsak.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya ng makitang bumagsak iyon sa kanyang maaamong mukha.
Ngayon ko lamang siya ulit nakita ng ganito kalungkot mula ng magkita kaming dalawa.
"Natatakot ako alyssa, Natatakot ako baka iwan mo ako dahil sa nakita mo kanina, But if you let me explain, I promise i wouldn't lie to you," Sabi nito saakin.
Hindi ako makapagsalita, Hindi ko masagot ang gusto niyang sabihin, Hindi ako makatanggi, Hindi ako makapagisip.
Tila ba nagtatalo ang puso at isip ko sa bawat salita nito saakin.
Nadadala ako sa bawat luha at tingin nitong nakikiusap na pakinggan ko ang mga sasabihin niya kahit na alam kong pwedeng ang lahat ng iyon ay kasinungalingan lang.
"Ano bang gusto mo? Naging masaya ka naman diba? May explanation paba sa lahat ng nakita ko? Odie ang dami kong tanong ang dami kong gustong marinig mula sayo, Pero hindi ko alam kung maniniwala ba ako,"
Buong loob kong sabi sa kanaya ngunit imbis na tanongin niya ako tumalikod lamang siya na parang wala siyang narinig mula sa mga sinabi ko.
" Ano? tatalikuran mo nanaman ako? iiwan mo nanaman ako ng walang sagot sa mga tanong k... "
Hindi ko na natuloy ang gusto kong sabihin ng bigla nalang niya ako siniil ng malalalim at maiinit niyang mga halik,
Naramdaman ko ang buong pagmamahal nito sa bawat diin at bawat hagod ng mga labi nito sa mga labi ko.
Lahat ng iyon ramdaman ko ang pangungulila at pagmamakaawa saakin.
Naramdaman ko ang isang palad nitong nakalapat saaking likuran, Habang ang isa naman ay nakahawak sa bandang likuran ng aking ulo.
Apat na araw pa lamang kaming magkasama bilang mag asawa,
Ngunit pakiramdam ko ay napakarami na naming pagsubok na kinakaharap bilang mag asawa.
Matapos niya akong halikan ay bigla niyang tinanggal ang hook ng bra ko dahilan upang lumuwag iyon at lumuwa ang dalawang su*o ko sa harapan niya.
Napatingin iyon doon at ng akmang hahawakan na niya ito ay agad kong tinapakan ang kanyang isang paa.
Napaluhod siya sa sakit kung kaya ay nagawa kong makawala sa pagkakaakap nito sa akin.
"Aaaaa! S**t! Ahhh.... Arrrrraaaayyyyy!" Sigaw nito habang nakahawak sa kanyang paa.
"Butinga sayo! Maiwan na kita dyan bastos!" Sigaw ko sa kanya at sabay talikod ko dahilan ng pagkapula ng kanyang mukha.
"Awwww!" Muli nitong sigaw at napahawak ito sa kanyang kaliwang mukha na natamaan ng aking buhok sa aking mabilis na pagtalikod dito.
Agad na namula ang kanyang muka sa sakit.
Nang hindi parin siya tumitigil sa pag aray ay muli ko siyang binalikan dahil sa pag aalalang baka talagang sobrang sakit ng ginawa ko sa kanya.
Pagkabalik ko ay nakaupo na ito ng maayos habang nakatanaw sa malayo at hawakhawak ang kanyang paa at mukha.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya, Tumingin siya sakin saglit at lumingon na ulit iyon sa karagatan.
"Hoy! Ano ka ba? Tinatanong kita kung okay ka lang ba?" asar kong tanong sa kanya, Ngunit hindi parin ako pinansin nito.
"Bahala ka na nga dyan, Uuwi na ako," ng akmang aalis na ako agad niyang hinablot ang kamay ko at bigla nalang akong napaupo sa mga hita nito.
"I got yah" Sabi nito ngunit seryoso ang mga titig nito sa akin..
"Bitawan mo nga ako! okay ka naman pala eh," Sabi ko sa kanya at pinilit kong kumawala sa pagkakahawak nito sa akin.
"Please don't go." Malumanay nitong sabi at dahan-dahang tumingala upang magtama ang aming paningin sa isa't-isa.
Hindi ako nakagalaw dahil sa pakiusap nito saakin.
"Marunong ka naman palang makiusap eh," Bulong ko sa sarili ko at hinawi ko pataas ang ilang takas kong buhok.
Nang makita nitong umupo ako sa isang batong hindi kalapitan sa kinauupuan nito, Napatingin na siya sa makinang na dagat na natatamaan ng sinag ng araw.
"I'll answer some questions from you, But promise me one thing..." sabay tingin niyang muli saakin ng matigil siya sa kanyang sasabihin.
Nag taas ako ng dalawang kilay upang malaman niyang naghihintay ako sa kanyang sasabihin saakin.
Habang nakahawak naman sa aking mga tuhod ang aking dalawang kamay.
"Don't go away and leave me," Sabi nito ng may sinsiridad sa sarili.
Napahawak siya sa kanyang mga paa habang nakatingin saakin, Nginitian lamang niya ako upang hindi ako mag alala sa kanya.
Napangiwi ako dahil sa pamumula ng kanyang mukha at mabilis na pamamaga ng ganyang paa.
Nag alala din ako agad sa kanya, Kung kaya ay pinagbigyan ko siya agad sa gusto niyang huwag umalis sa tabi niya.
At kung hindi man niya ako pigilan na umalis ay mas lalong mag aalala ako pag nakauwi ako ng hindi siya kasama.
"Sure, But promise me na once na tinanggap ko ang lahat ng paliwanag mo, Hindi mo na uulitin ang lahat ng pagkakamali mo." Seryoso kong sabi sa kanya.
Hindi ko na natiis pa na hindi sabihin sa kanya ang mga salitang iyon,
Dahil sa kagustuhan kong maging maayos ang pagsasama naming dalawa bilang mag asawa,
Kahit pa may dahilan lamang at biglaan ang pagpapakasal namain sa isa't isa.
"All your questions has a right answer but before i answer all of that just, Just listen for me first so i can answer anything you want me to answer. Okay?" kinakabahang sabi nito sa akin.
Hindi ko maintindihan ngunit kinakabahan ako sa mga nangyayaring ito.
Masyado pang maaga sa mga ganitong usapan pero itong pagkatao ko ang gustong makaalam ng totoong nangyayari sa amin.
Binging bingi ako sa sobrang ingay ng puso ko na halos hindi ko na marinig ang kanyang sinasabi.
Pinipilit kong intindihin ang mga salitang kanyang gustong iparating sakin,
Ngunit para bang walang pumapasok sa isipan ko sa lahat ng kanyang sinasabi, Dahil sa nakaabang lamang ito sa kung ano ang gusto niyang ipagtapat sa akin.
"Ang taga..." sabi ko sa kanya.
"Alyssa...... I'm.."