Chapter 19 Yanna's Pov ‘’Hindi na ako aasa makita ko pa yun sayang alaga.’’ Wika ko habang pahiga na ako sa kama. Habang nakahiga ko iniisip ko ang kwintas ko dahil sa panghihinayang sa pagkawala. Itinulog ko na lang ang pagkahinayang ko na dito. Kinabukasan maaga akong nagising mag alasais na ng umaga. Bumangon ako agad saka inayos ang higaan ko.Pagkatapos ko nag ayos ay lumabas na ako sa kwarto at nagtungo agad sa banyo.Inuna kong tinignan sa sahig baka nahulog doon sa banyo pero bigo akong mahanap ito. ‘’O Yanna parang aligaga ka ata. May hinahanap ka ba dyan?’’ Tanong ni inay sa akin. ‘’Opo inay ang kwintas ko po nawawala baka nahulog ko.’’ Wika ko kay inay habang sumisilip sa sahig sa kusina namin. ‘’Saan mo ba nahulog? Hindi mo din napansin anak pagkawala sa leeg mo?’’ Tanong

