Chapter 17 Magnus’Pov. Tinignan ko siya hanggang makapasok siya sa kanto sinasabi niya. Doon pinaandar ko na ang sasakyan saka umalis sa lugar nila. Habang nagmamaneho ako napangiti ako bigla ng naalala ko nangyari sa bahay. Naalala ko magkikita pala kami sa Mandaluyong dederitso na lang ako doon. “Oh! Nandito na pala si Magnus.” Wika ni Sandro habang kararatinh din ng iba. Inihinto ko ang sasakyan sa tapat ng bahay nila Sandro saka bumaba agad sa sasakyan. “Kanina pa ba kayo?” Tanong ko sa kanila. “Kararating lang din nila Bitoy.” Sagot ni Sandro sa akin. “Ah ganun ba. Pasensya na kayo ka gabi hindi ako nakasabay sa inyo naawa kasi ako sa kilala ko lasing na inihatid ko sa kanila.” Paliwanag ko sa kanila . “Okay lang naman Magnus kaya naman din namin. Kamusta naman ang inihati

