Chapter 23 Yanna’s Pov “Malapit na tayong mag out Yanna sasabay ka ba sa akin?” Tanong ni Flor sa akin. Hindi ako naka imik agad sa tanong ni Flor sa akin. ‘’Yanna okay ka lang ba?’’Tanong ulit ni Flor sa akin ‘’Ah oo okay lang naman ako Flor sige sabay tayo maya pag out natin.’’ Wika ko sa kanya ‘’Sige ayusin ko lang ito para matapos na bago tayo mag out.’’ Wika ni Flor sa akin ‘’Yanna paki assist nga muna ako dito.’’Tawag sa akin ang pinaka head namin sa pharmacy namin. ‘’Okay po ma’am.’’ Sagot ko sa kanya Lumapit ako agad sa kanya saka tinulungan ko sa pinapagawa niya sa akin. ‘’Sakto mag ala sais pa lang pupuntahan ko na si Yanna.’’ Wika ni Magnus habang nai park na niya ang sasakyan sa parking area. Nagmamadali siyang naglalakad papunta sa loob para puntahan sa pharmacy.

