Epilogue Yanna's Pov “Ano ba pag uusapan natin Joshua?” Tanong ko sa kanya “Pakinggan mo naman ako Yanna gusto kong makipagbalikan tayong dalawa.” Pagkukumbinsi niya sa akin. “Tatapatan na kita Joshua may boyfriend na ako ngayon. Kaya please lang iwasan mo na ako at layuan Joshua.” Wika ko sa kanya. “Ayoko Yanna mahal kita kaya nagsisi ako sa nagawa kong kasalanan sayo please bigyan mo pa ako ng pagkakataon Yanna. Patawarin mo ako sa nagawa kong kasalanan sayo Yanna. Please magbabago na ako Yanna pangako ko yan basta magkaayos na tayo.” Pangungulit niyang sabi sa akin. “Hindi na pwede Joshua sobrang nasaktan mo ako sa ginawa mo sa akin. Grabe pagdurusa ko sayo Joshua ginawa mo akong tanga! Hindi mo ba naaalala yun Joshua ginawa mong pagtataksil sa akin? At kung gaano kasakit nakita

