Chapter 35

1442 Words

ILANG ULIT pinaikot ni Howard ang bote ng alak. Bakas pa rin sa isipan niya ang huling pag-uusap nila ni Zionne. Sinundan niya si Zionne hanggang sa may entrance ng resort na iyon. Patuloy pa rin ito sa paglalakad hanggang sa matigilan ito sa itinanong niya, "Zionne, bakit ba hindi mo na lang aminin na may nararamdaman ka pa rin sa akin?" Napaawang ang labi ni Zionne at tumingin ng diretso sa mga mata niya. "'W-wala na, Howard. At kung may nararamdaman pa rin ako sa'yo ay awa na lang at hindi na pagmamahal." "Pero sinundan mo ako rito, it means may pakialam ka pa rin sa'kin, 'di ba?" Doon siya nagawang harapin ng dating kasintahan. "Hindi mawawala 'yon, dahil hindi mo naman kabisado ang bawat sulok ng probinsiya namin. Kaya natural lang na mag-alala ako sa'yo dahil kahit papaano ay may

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD