TADTAD NG TEXTS at tawag ang bumungad kay Zionne pagsapit ng umaga. Hindi niya akalain na pagkatapos nang pagtataksil na ginawa sa kaniya ng kasintahan ay may pakialam pa rin ito sa kanilang mag-ina. Hindi pa rin siya maka-get over sa mga nakita at para sa kaniya ay napakamartir niya naman kung palalampasin niya lang ulit ito. Nang mapatanaw siya sa may bintana ay kay ganda pa rin ng sikat ng araw subalit hindi niya man lang magawang salubungin ito ng ngiti. Animo'y paulit-paulit na nagbabalik sa kaniyang isipan ang mga nangyari kagabi. "Gising ka na pala, kumain ka na." Napalingon siya sa presensiyang iyon ni Paul at aaminin niyang hindi niya maiwasang mangarap na sana ay ganito pa rin sila ni Howard. "Salamat, pero wala pa akong gana, Paul," ang tanging nasabi niya at saka tipid na n

