Chapter 24

2077 Words

TAHIMIK AT MALAMIG ang gabi para sa kanila. Naghihintayan kung sino ang unang kikibo. Batid nilang marami silang nais sabihin sa isa't isa pero walang naglakas ng loob para manguna. Paikot-ikot si Zionne sa higaan habang si Howard naman ay pilit ipinipikit ang mga mata. Subalit ilang segundo pa ang lumipas ay bigla na lamang napabalikwas sa pagbangon si Zionne. Kaya naman napabangon na rin si Howard habang nagtatakang tumingin sa kaniya. Pinilit nitong magsalita kahit tila umuurong ang dila, "Bakit ka napabangon?" At walang kamalay-malay si Howard na buo na ang loob ni Zionne para kausapin siya ng masinsinan, "Doon na ako matutulog sa salas, hindi ko kayang matulog sa kamang pinagsaluhan ninyo ng babae mo," kalmado pero ramdam mo ang galit sa puso niya nang sabihin iyon. Hindi nakatanggi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD