Chapter 8

1507 Words
Michiko’s POV Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko noong sinabi ni Caelen sa harap ng pamilya ko na mahal niya ako. Iyon ba talaga ang ibinulong niya at . . . bakit naman sinabi talaga niya iyon habang kumakain kami? Bakit biglaan? Ano ba talaga ang trip niya? Nahalata ba niyang gusto ko siya? Ang tagal naming hindi nag-usap pagkatapos ay aksidente lang ang pagkikita namin pero pinuntahan niya ako sa Baguio para ibalik ang pekeng hikaw ko at sabihin na mahal niya ako! Parang mayroong hindi tama, hindi ba? Gusto ko lang sanang matuwa sa narinig ko pero bakit nakalilito ang mga sinasabi at ginagawa niya ngayon? Gusto ko ngang itanong sa kanya kung pagmamahal ba iyong ginawa niya sa akin noong sinabi rin niya noon na gusto ako pagkatapos ay bigla na lang siyang nawala? Ganoon ba ang pagpaparamdam niya ng pagmamahal sa akin? Habang nasa labas ako ng bahay ay bigla ko na lang naalala ang naging pag-uusap namin ni Caelen dahil sa pagbanggit niya na mahal niya ako sa harap ng pamilya ko. “Bakit mo naman iyon sinabi sa harap nila? Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin? Masyado mong ginugulo ang isip ko, Caelen,” sabi ko sa kanya noong nakalabas kami at noong tapos na kaming kumain. Tiningnan niya ako sa mga mata at naging seryoso ang itsura niya. “Hindi ko rin maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay ayaw mong may ginagawa ako para sa iyo na nakikita ng ibang tao. Bakit, Michiko? Alam ko naman na nasaktan ka noong nawala si Vonn pero . . . bakit noong nawala siya ay parang nawalan na rin ako ng karapatan na mahalin ka?” “Why do you have to mention Vonn as if you two were close? Bakit kailangan mo siyang banggitin ngayon?” Alam kong naging unfair ako sa kanya sa pagkukumpara kay Vonn sa mga ginagawa niya para sa akin pero hindi niya kailangang banggitin si Vonn! Malinaw naman sa kanya noon na hindi ako handang masaktan pero sinaktan niya ako sa pag-alis nang walang paalam. “Hindi ko matatanggap ang pagmamahal mo ngayon, Caelen. Hindi pa ako handa.” “Hihintayin kong maging handa ka, Michiko.” Tumingin ako sa kanya. “Handa ka ba talagang maghintay? Nagpapatawa ka ba ngayon? Samantalang bigla ka na lang nawala noon pagkatapos ay nagbago ka pa noong nagkita ulit tayo. Kaya mo ngang mawala na parang bula kaya magagawa mo ulit iyon at baka mas masaktan pa ako kapag nangyari iyon.” “Bakit ba ang hirap sa iyo na bigyan ako ng pagkakataon? Mahal mo rin naman ako, hindi ba?” Kaya ba niya sinabi na mahal niya ako ay dahil nahalata niyang may nararamdaman ako para sa kanya? Ganoon ba iyon? Muli akong napatingin sa sinabi niya. Hindi ganoon kalalim ang pagmamahal ko sa kanya. Alam ko iyon dahil wala ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya sa pagmamahal na naramdaman ko kay Vonn. At alam ko rin naman na mali na maging iyon ay naikumpara ko pa. Hindi ko iyon mapipigilan dahil si Vonn lang ang lalaking minahal ko! Hindi ko magawang sagutin ang tanong niya ngayon. “Umuwi ka na, pagod ka lang sa biyahe mo. Mag-iingat ka.” May bahay naman sila rito sa Baguio kaya alam kong may matutuluyan siya rito. “Ganoon ba ako kahirap mahalin, Michiko?” “Caelen, please, umalis ka na.” Kahit kita sa mga mata niya na ayaw pa niyang umalis ay umalis pa rin naman siya dahil iyon ang gusto ko. NAPALINGON NA LANG AKO noong nakita kong tumabi sa akin si Kuya Euan. Napansin niyang nakatulala ako kaya lumabas din siya. Siguro ay mag-se-sermon na naman siya dahil sa pag-amin sa akin ni Caelen ngayon. Ayaw ko naman na magtalo na naman kami kaya kahit wala pa siyang sinasabi ay nagpaliwanag na ako. “Kuya Euan, hindi mo naman ako kailangang bigyan ng sermon ngayon dahil sinabi ko kay Caelen na hindi pa ako handang magmahal ulit lalo na at naguguluhan ako sa kanya.” “Wala naman akong sinasabi rito. Umupo lang naman ako para magpahangin.” Tumango pa ako dahil napahiya naman ako sa kapatid ko. Tumingin ako sa kanya at inisip na magtanong pero hindi ko na lang itinuloy. “Paano mo ba masasabing handa ka na ulit magmahal?” tanong niya sa akin. “May pagmamahal naman na hindi napaghahandaan dahil dumarating ito kahit biglaan. Hindi mo naman mapipigilan ang puso mo kapag muli iyang tumibok.” “Alam ko naman, Kuya Euan.” “Sa tingin ko naman ay may nararamdaman ka rin kay Caelen pero nagtataka lang ako kung bakit mo iyon pinipigilan.” Tumingin ako sa kanya sa sumandal sa upuan. “Paano mo naman nasabi na mahal ko siya?” Natawa siya sa tanong ko kahit hindi ko naman alam kung ano ang nakatatawa sa sinabi ko. “Ang sabi ko lang naman ay may nararamdaman pero ikaw na ang nagsabi ng salitang mahal at ang ibig sabihin noon ay mahal mo siya. Isa pang dahilan ay alam naman natin na hindi ka basta-basta sumasama sa lalaki kung wala kang tiwala. Iba rin ang naging ningning ng mga mata mo noong nakita mo siyang nasa harapan mo kanina.” Bakit ang dami naman niyang napansin ngayon? Nagtataka siya at pakiramdam niya ay pinipigilan ko ang nararamdaman ko? “Ang totoo niyan ay hindi ko alam kung kaya ko ulit magmahal ng iba bukod kay Vonn. Natatakot na ulit ako. Kahit naman hindi ako sinaktan ni Vonn sa paraan ng p*******t sa iyo ng iba ay nakatatakot ulit magmahal.” “Sinasabi mo bang si Vonn pa rin ang dahilan? O iniisip mo ang sasabihin ni Tita Ella?” Ang galing niyang magpasok ng mga pangalan sa usapan. Gusto ko mang itanggi kay Kuya Euan pero nahalata naman niya na ganoon ang iniisip ko. Noong nawala si Vonn ay hindi nawala ang komunikasyon ko kina Ate Calli at Mommy Ella dahil mas lalo pa kaming naging malapit sa isa’t isa at parang tunay na kapatid at anak na ang turing nila sa akin at maging sa mga kapatid ko ay ganoon din sila. Sumagi sa isipan ko kung ano ang iisipin nila kapag nagkaroon na ako ng boyfriend. Masasaktan ko kaya sila? Iisipin ba nila ma masyado pang maaga para palitan ko ang anak niya? Iisipin ba nila na hindi ko talaga mahal si Vonn? “Kung palagi mong iisipin ang sasabihin nila, sa tingin mo ba ay sasaya ka?” “Alam ko naman ang ibig mong sabihin, Kuya Euan. Magpahinga na lang tayo ngayon dahil alam ko naman na pagod ka rin sa trabaho mo. Salamat, Kuya.” “Para saan naman?” “Ang sungit naman ng dating. Salamat sa mga ginagawa mo para sa amin.” “Hindi mo naman kailangang magpasalamat sa akin.” “Pero gusto ko pa rin na malaman mong nagpapasalamat ako na ikaw ang naging Kuya ko.” Napalingon kaming dalawa noong may tumikhim sa gilid at nakita namin na nakasandal sa pinto si Jiro na parang kanina pa nanonood sa amin. “Ano na naman itong meeting ng pamilya na hindi ako kasama?” tanong niya na may tono pa na kagaya ng tono ni Kuya Euan kapag nagsesermon sa amin. “Ikaw ang pinag-uusapan namin ni Ate Michiko mo, kung gaano ka kapasaway sa kanya. Mabuti na lang at nandito ka dahil kailangan nating mag-usap.” Tumalikod naman kaagad sa amin si Jiro at naghandang umakyat pero sumigaw muna siya ng, “Matutulog na pala ako, Kuya Euan at Ate Michiko! Matulog na rin po kayo! Huwag kayong nagupuyat, masama iyon sa kalusugan!” Pagkatapos ay tuluyang nawala sa paningin namin ni Kuya Euan. Umakyat na rin si Kuya Euan pagkatapos ay sumunod na rin naman ako. Napahinto lang ako roon sa tapat ng pader kung saan nakasabit ang mga inipon kong larawan namin at hindi sinasadya na makita ko ang larawan naming magkakapatid na kasama ang mga kaibigan namin at isa na roon si Vonn. Pumikit ako para sana alalahanin iyong nangyari roon sa larawan na tiningnan ko pero bigla na lang sumagi sa isipan ko iyong araw na nawala si Vonn. Mahigit isang taon na iyong nakalilipas pero dahil sa pagkikita namin ni Caelen, dumadalas ang pag-alala ko sa mga ganoong pagkakataon. Ang naaalala ko pa naman ay iyong paghawak ko nang mahigpit sa kamay niya habang sinasabi ko sa kanya na masyado na siyang matagal na natutulog, kumpleto kami para makita ang mga ngiti niya, okay lang na pagsabihan niya ako sa pagiging chubby ko, okay lang na pagalitan niya ako kapag pasaway ako at okay lang magsungit ulit siya sa akin basta gumising lang siya. Sa tuwing naaalala ko iyon ay nandito pa rin sa puso ko iyong kirot sa pagkawala niya. Ang ibig sabihin noon ay hindi pa ako handang magmahal, hindi ba? Lumapit ako sa larawan na iyon para hawakan ang larawan ni Vonn. Vonn, pinaiiyak mo na naman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD