Chapter 6

1376 Words
Michiko’s POV Kagaya ng sinabi ni Caelen ay talagang kumain kami at siya ulit ang namili ng kakainan namin, biniro pa nga niya ako na kahit saan naman daw niya ako dalhin ay magugustuhan ko basta may pagkain. Halos lahat ng kaibigan ko ay nagkakasundo sa pagbibiro sa akin tungkol sa pagkain! Habang hinihintay naman namin ang order ay tinitingnan ko ang mga kuha namin kanina sa National Museum. Mukhang mapupuno na naman ito ng iba’t ibang larawan. Karamihan sa mga kuha na nandito ay stolen shots ni Caelen. Paano ba naman? Titingin lang sa mga painting pero ang ganda ng postura kaya nakatutuwang kuhanan ng litrato pagkatapos noong nahuli niya ako sa ginagawa ko ay kinuha niya ang cell phone ko pero hindi para burahin ang kuha ko sa kanya kung hindi para mag-picture kaming dalawa. Napansin niyang abala ako sa pagtingin sa mga larawan namin. “Did you know that you are obsessed on taking pictures?” “I assume you said obsessed in a nice reason. What’s the problem with that? I love taking pictures because they are the best memories.” “How come?” “Apart from having this memory imprinted in my mind, only pictures can bring back with those memories. And thank you joining me.” He smirked. “As if I have a choice,” he joked. “Mabuti nga at walang magagalit sa akin kaya nasamahan mo ako,” sagot ko naman. “Magagalit?” “Girlfriend ang ibig kong sabihin, ang slow naman, Caelen.” Tiningnan niya ako at itinanong ng, “Bakit? Sinabi ko ba na wala?” Ang ibig ba niyang sabihin ay mayroon? Kung mayroon man, bakit niya ako sinamahan at bakit kung ano-ano ang sinasabi niya sa akin? Kinausap pa nga niya si Kuya Euan! Hindi ko naman naisip na posibleng may girlfriend na siya dahil sa pagbanggit pa niya sa nakaraan na iniwasan ko naman. Hindi kaya iyon ang gusto niyang sabihin sa akin? Para malaman ko na ang dahilan niya sa pag-alis at hindi muling pagkausap sa akin ay dahil may girlfriend na siya ngayon? “May girlfriend ka na ba? Bakit hindi mo naman sinabi kaagad sa akin? Sana ay hindi na ako nagpasama sa iyo ngayon. Alam ba niyang may kasama kang babae ngayon? Alam ba niya na kasama mo ako ngayon?” “Ang dami mo namang tanong,” sagot niya. Mayamaya naman ay dumating na ang pagkain namin kaya hindi na niya nasagot ang mga tanong ko. Nakatitig pa rin ako sa kanya at hinihintay ang sasabihin niya sa akin. Bakit naman hindi niya iyon sinabi? Hindi ba niya naisip na iisipin kong interesado pa rin siya sa akin dahil sa mga pinagsasabi niya at pagbabalik sa nakaraan? Saka ang paasa naman talaga nitong si Caelen! “Umuwi na lang tayo pagkatapos kumain, parang may nakalimutan akong ayusin na dapat kong ayusin.” He smiled. “All of a sudden? Wala naman akong girlfriend, Michiko. Binibiro lang kita pero masyado mo naman ipinahahalata na may pagkaselosa ka.” Hindi naman sa ganoon pero dahil sa sinabi niya ay parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib noong nalaman kong wala pa rin siyang girlfriend. Pero hindi ko naman hiniling na sana ay walang girlfriend ang suplado na ito! “Baliw ka! Akala ko talaga ay may girlfriend ka na. Siyempre, bilang respeto ay hindi iyon tama lalo na kung hindi niya alam tapos kung ano-ano pang sinasabi mo sa akin!” sigaw ko sa kanya. Pasalamat na lang din siya na kumakain na kami ngayon at masarap pa ito dahil kung hindi ay marami pa sana akong isisigaw sa kanya. “Bakit? Ano ba ang sinasabi ko sa iyo? Don’t worry, wala akong girlfriend. Ginaya ko lang naman ang ginawa mo dahil ginulat mo rin ako noong sinabi mong may boyfriend ka na.” “May nalalaman ka pang I miss you!” “But I really miss you. Hindi naman ako nagbibiro sa bagay na iyon.” “Pero bakit ka nga ba nawala?” Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na itanong iyon sa kanya. Tutal ay napag-uusapan naman namin iyon saka gusto ko lang din talagang malaman. Nakawawala ng tiwala kapag bigla na lang kasing nawawala ang isang tao pagkatapos niyang aminin sa akin na mayroon siyang espesiyal na pagtingin sa akin. “Gusto ko lang malaman kung bakit hindi mo ako nagawang tawagan ulit. Madali lang naman na umalis lalo na kung hindi naman importante sa iyo ang taong iiwan mo, hindi ba?” Nakuha ko ang atensyon niya dahil sa tanong na iyon. Wala naman masama sa tanong ko. “Alam kong nalilito tayong dalawa sa mga sakit na pinagdaanan natin. Inaamin ko na naduwag ako na magmahal ulit lalo na noong nakilala kita kasi ayaw kong maulit ang sakit na naramdaman nating dalawa—” “Sandali lang, hindi mo iyan nabanggit sa akin noon. You were hurt too?” I asked. Sa totoo lang ay hindi rin naman siya nagbabanggit ng detalyado tungkol sa buhay niya kaya hindi ko rin alam na nasaktan na rin pala siya noon. “Yes,” he simply answered. Iyon din kaya ang dahilan kung bakit hindi siya ganoon kadaldal noon? Para hindi niya iyon mabanggit sa akin? “But . . . let’s not talk about it.” Ayaw pa rin niyang pag-usapan, ibig bang sabihin ay nasasaktan pa siya? Ang dami kong sinabi sa kanya tungkol sa pagkawala ni Vonn noon at tahimik lang siyang nakikinig sa akin pero hindi ko alam na may pinagdadaanan siya dahil hindi naman siya nagsabi sa akin at mukhang ayaw rin naman talaga niyang mahalata ko iyon. Napansin ko na naging tahimik siya dahil sa pagtatanong ko kung nasaktan na siya kaya naman hindi na ulit ako nagsalita. Nakahihiya naman iyon, sana ay nanahimik na lang ako. Naging espesiyal man kami sa isa’t isa ay tapos naman na iyon. Bahala na nga. NOONG NAKAPUNTA NA KAMI sa mga gusto kong pasyalan ay nagsabi ako sa kanya na ihatid na niya ako sa condo ni Charlotte. Naabala at nakuha ko na ang buong oras niya kaya ngayong araw ay binibigyan ko siya ng pagkakataon na magpahinga na saka tumahimik na talaga siya dahil sa pagbanggit ko ng ganoon kanina. Baka dapat ay huwag ko na iyon ulitin. Sinabi ko rin naman na papunta na rito sa Manila si Charlotte para sabay kaming bumalik sa Baguio dahil tapos na ang trabaho ng kaibigan ko. Sadyang nagpapahinga lang siya rito sa Manila bago bumalik sa Baguio, nagkataon lang na nandito rin ako. Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa gusali ng condo unit ni Charlotte. Parang nagkaroon nga ng ilangan sa pagitan naming dalawa. Bumaba siya kaya nagtaka ako dahil alam naman niyang hindi ko siya pa-aakyatin sa kuwarto ni Charlotte. “Sorry about that,” bulong ko. “Huh? About what?” “Sa pagtatanong kung nasaktan ka na rin noon. Halata naman na nawala ka sa mood dahil sa tanong na iyon.” “Hindi naman iyon ang iniisip ko.” “Natahimik ka kasi, eh. Ano ba ang iniisip mo?” “Magkikita ba ulit tayo?” “Hindi ko iyan masasagot, Caelen. Thank you for the treat and for joining me today.” Lumapit siya sa akin para yakapin ako. Pinabayaan ko na nga lang dahil ramdam ko rin ang higpit ng yakap niya sa akin na parang ayaw na akong bitiwan. Puwede ba ulit akong malito sa mga tanong at ipinakikita niya sa akin? Kung gusto naman niya akong makita ay alam naman niya kung saan ako makikita pero ang ipinagtataka ko lang ay hindi naman niya kinuha ang cell phone number ko. Kung talagang ayaw niyang mawala ang komunikasyon namin ay dapat lang siguro na iyon ang hingin niya sa akin, hindi ba? Yumakap ako sa kanya at nagpaalam na. I sighed while walking away from him. Why do I need to think about Vonn every time I’m spending my time with Caelen? Is this guilt? Am I guilty of going out with him even if I’m comparing his gestures with Vonn? Am I being unfair now? Sumasama lang ba ako sa kanya dahil si Vonn ang naaalala ko sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD