8pm na kami nakauwi ni Oliver. Hinatid nya pa ako hanggang sa gate ng bahay bago tuluyang umalis. Tinitignan ko pa ang sasakyan niyang kaaalis lang ng biglang may tumikhim sa aking likuran. Kaya naman napatingin ako doon, si mama pala.
"Ginabi ka Este? Mukhang close na close kayo ng apo ni mayor ah, anong meron?" tanong niya habang nakahalukipkip.
"Uh, h-hindi naman po masyado ma, nagkataon lang pong nagkita kami sa school kanina kung saan ako nag oOJT kaya po uh naisabay."
Tumango si mama, "Hmm sige pasok na at magdinner na sa loob."
Tumango lamang ako kay mama at dumiretso na sa kwarto ko para makapagbihis.
Tulala ako sa kama ng biglang nag vibrate ang cellphone ko.
Oliver:
I'm home.
Pinatay ko ang cellphone ko dahil hindi naman siguro kailangang mag reply pa ako. Ngunit ilang sandali lamang ay nagvibrate nanaman muli ito, may tumatawag na. Humiga muna ako bago ko ito sagutin.
"H-hello?"
"Hmm, you tired?" his husky voice argh!
"Uh hindi naman masyado, uh ikaw ba?"
"A bit. I want to hear your voice before I sleep." sabi nya kaya naman napangiti ako.
"It's late na baka may work kapa bukas, you'll be late kapag uh hindi kapag natulog..." nag aalinlangan kong sabi
"It's fine. No one's gonna fire me cuz I'm the boss." he chuckled.
"Hambog! Hindi porket ikaw ang boss ay sasamantalhin mo na. Uh about pala doon sa sinabi ko kanina..." naputol ko bigla ang sasabihin ko dahil hindi naman pwedeng sabihin ko bigla na 'gusto ko rin' sya.
"What about it? Aren't you serious? may lungkot sa kanyang boses.
"Hell No! I--"
"Then you're serious?"
"I mean uh HAY NAKO OLIVER! NAKAKAINIS KA TALAGA! GINUGULO MO ANG ISIPAN KO!" mas nairita pako dahil rinig na rinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.
"Uh-huh okay I'm sorry."
"Oo na." pinal kong sabi
"Oo na?"
"Ano uh b-boyfriend na kita?"
"Are you kidding me Esca?"
"I'm not, Liam uh pero ano sana itago muna natin kase hindi--"
"What?! Anong itago? No I don't like your idea Estella." dinig ko ang buntong hininga niya.
"Sasabihin naman natin sa tamang panahon, uh masyado lang kasing mabilis kaya uh I think it's not the right time for us to be showy in public and uh matunog ang pangalan mo cuz you're the mayor's grandson anyway. Kaya kung hindi ka papayag, edi break na tayo."
"What?! Mas lalong hindi ako papayag dyan. Tss. Okay okay payag na 'ko."
Napangiti ako, at least understanding siya "Hmm, you sleep na. It's late na. Text me tomorrow. Uh bye for now?"
"5 minutes..." sabi nya sa malambing na boses
"Liam Oliver!"
"Yes baby, I'll sleep. See you... I love you."
"Goodnight..." I said before I ended the call.
Kinabukasan ay nandito ulit kami sa stall, sabado e at imbes na magpahinga ay inusap muna ako ni mama para mag bantay dahil may aayusin daw siyang mga papeles. Buti na lamang at nandito sina Aileen pero hindi ako natutuwa sa panggigisa nila sa akin.
"So ano ngang nangyari sa date Este? si Aileen na animo'y bulating nilagyan ng asin dahil sa kilig.
"Hindi date 'yon Leen, hinatid lang ako ni Oliver tsaka bwakanabitch kayo! Eh kayo nga itong umiwan sakin!"
" Sorry na! Ang weak naman ni baby Oli ano ba 'yan akala ko naman naka isa na psh!"
Diretso parin ang bibig ng dalawa kong kaibigan ng biglang nagkagulo na ang mga babae sa paligid. Pandit na pandit sa di malamang dahilan.
"Yung apo ni mayor, Joan!"
"WAAHHHH SI OLIVERRRR OMG!"
"Baka bibili siya nitong melon koooo"
"Wahhhh ang gwapo nya sa malapitaaannn"
"Iba talaga ang tama ng mga babaeng 'to. Obvious naman kung sinong pinuntahan dito. Lika nga dito Estella at iipitan ko yang napaka haba mong buhok!" si Vane.
"Ingay mo gaga ka!"
Nginitian ni Oliver ang mga taong bumabati sakanya. Hindi ko alam kung anong trip ng lalaking ito pero kitang kita kona agad na sa direksyon namin siya pupunta. He's wearing a white v-neck shirt partnered with a faded pants. Ang buhok niya ay nakahati sa gitna, para tuloy siyang si Leonardo Dicarpio. Ang gwapo ng boyfriend ko!
Tumigil siya sa stall namin kaya naman ang mga tao ay nakatingin sa amin at ang dalawa ko namang kaibigan ay napatayo sa sobrang kaharutan. Ako naman ay nakaupo parin at naestatwa.
"Ano pong sainyo koyang Oleberrr?" sabi ni Aileen "Saging ba o melon ni Este?"
Pinandilatan ko siya ng mata dahil sa sobrang hiya, kaibigan koba talaga ang mga 'to, bakit parang may mga pahid na sa utak.
Tumayo ako upang ako na ang magsalita, "Ano hong sainyo?"
Tumawa siya dahil kitang kita ang hindi ko pagiging komportable, "I'll buy all of this." sabi nya at kinuha ang wallet sa loob ng bulsa
"No."
"Estella anong no?! Makakauwi tayo ng maaga gagi kaba?may tama to!" bulong ni Vane sa akin.
"Yes, I'm going to buy all of this. Magkano?"
Tinignan ko sya ng LAGOT.KA.SAKEN.MAMAYA.LOOK. Halos lahat ng mga tao ay pinagtitinginan na kami what the hell!
"Seryoso kaba? Ang dami nito!" sabi ko na naiirita na
"Yeah, dadalhin ko sa Farm for the farmers so what's the problem?"
Aba at tinatarayan ako! Lagot ka sa akin mamaya "Okay sir, babalot lang namin."
Sa huli ay ibinalot namin ang mga prutas at umalis naman na rin sya pagkatapos magbayad kaya naman maaga kaming nakapag ayos at nakapagsara. Nauna ng umuwi ang dalawa kong kaibigan dahil hahanapin daw sila ng nanay nila.
Palabas na ako ng VM ng biglang nag ring ang cellphone ko. Si boyfriend.
"Oh?!" Kunwari'y galit kong sabi.
"Nasa basement ako, puntahan moko" para siyang batang nagmamakaawa
"Ayoko." sabi ko ngunit ang mga paa ay humahakbang na papuntang basement.
"Are you mad?" tanong nya sa isang malungkot na tono.
Bago pa ako sumagot ay binabaan ko sya ng telepono dahil nasa basement na ako. Kitang kita kona ang kanyang sasakyang nakababa ang bintana at ang boyfriend kong nakanguso at malungkot... sht ang gwapo.