KABANATA 11

732 Words
Pinapalis ko ang bawat luhang pumapatak sa aking mukha habang ako'y nakatulala sapagkat hindi ko parin lubos maisip na nakasakit ako ng damdamin. Alam kong nasaktan ko si Haiven pero hindi ko maaaring itanggi na hindi talaga siya ang gusto ko...Kasi kahit ilang buwan na ang lumipas ay si Oliver parin damn. Ipinatong ko ang aking mukha sa aking kandugan habang ang aking mga palad ay nakalagay parin sa aking mukha, patuloy parin ang aking luha. Nasa ganoong posisyon ako nang may naramdaman akong humarang sa harapan ko ngunit hindi ko parin inalis ang ganoong posisyon ko. "You alright?" hindi ko alam kung dala ba ito ng pagkamiss pero hindi ako maaaring magkamali kung kaninong boses galing iyon...Oliver... Inangat ko ang ulo ko, may mga luha parin sa mga mata. Umapaw ang iba't ibang emosyon sa sistema ko parang mas lalong gusto ko tuloy umiyak. Gusto ko siyang suntukin dahil sa pagkawala niya ng anim na buwan. Kita ko ang pagod sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ako. Laking gulat ko ng bigla siyang pumantay sa akin at mataman akong tinignan. May nilabas siyang panyo sa kanyang bulsa at inilagay ang kanyang kamay sa gilid ng bench upang hindi ma out of balance. "Tsk." animo'y naiirita "Who told you na pwede kang paiyakin ng iba?" tanong niya habang pinupunasan ang aking mga luha ngunit patuloy parin sa pag agos ito. Umayos siya sa pagkakaupo at inabot din ang mga takas kong buhok at inilagay sa likod ng aking tenga. "A-anong ginagawa mo dito?" nauutal kong sabi "Baby...I'm sorry for leaving" Mas lalo akong umiyak dahil sa kanyang sinabi, Estella 'wag kang maarte! "Anong ginagawa mo rito?" Pinipigilan kong hindi pumiyok dahil naghahalo ang iritasyon sa sistema ko ngayon "I missed you" Mas lalo akong nairita dahil wala namang connect yung tanong ko sa isinasagot niya. "Ano nga kasing ginagawa mo dito!" hindi kona napigilan at tumaas na rin ang aking boses. "Why are you crying? Who did that?" "Shut up." malamig kong sabi "Pinaiyak ka noong boyfriend mo?" Sinamaan ko siya ng tingin at unti unting sumilay ang kanyang ngiti ngunit ako'y nakabusangot parin dahil sa iritasyon. "It's either you're crying because of your boyfriend or because of me." "Because of you? Bakit mo naman naisama ang sarili mo rito?" "Coz I know." "Shut up. Leave me alone." "You're inlove with me." "What did you say?" "You're inlove with me, Estella." Confident niyang sabi "Desisyon ka?Ano ba kasing ginagawa mo rito?Bumalik ka na kung saang lupalop ka nanggaling. Tatayo na sana ako nang mas lalo niyang higpitan ang kapit sa inuupuan ko maging ang kamay na kaninang pinapampunas sa aking luha ay inilagay narin niya upang hindi ako makatakas. Humalakhak siya "So you missed me too" Wala akong masabi kaya inabala ko nalang ang aking sarili sa paglalaro ng aking mga daliri. "You didn't answer my questions baby" "Stop calling me baby." "Uh-huh.. So you didn't answer my questions...wife." "Ano ba Oliver pwede ba umalis kana dito!" "You don't want me to call you baby so I guess wife will do?" "Shut up gago." Humalakhak siya "You're inlove with me." "I'm not" "You are" "How did you know then?" "I feel it" "Then your feelings are wrong" Ngumit siya "That's my girl" "Shut up." "I'm sorry if I left you. I got busy--" Pinutol ko ang kanyang sasabihin "Ng anim na buwan? Kanino?" "My lolo wants me to go to Manila because of our business there. Naging busy ako sa meetings kaya--" Pinutol ko ulit ang pagsasalita niya "You didn't text me" nababasag ang boses na sabi ko. Tumawa ulit siya kaya mas lalo akong nairita "I didn't know na naghihintay ka pala ng texts ko cuz I far as I know I was already basted" Ang gaga ko sa part na 'yon ah! Oo nga pala duh Estella ang shunga mo! "K-kahit na..Uh k-kung mahal mo talaga ako, kahit na binasted na kita e itetext mo parin ako." Tumawa siya at tumayo siya at umupo sa tabi ko ng nakaharap sa akin. "Uh-huh. Okay next time." Nagkatinginan kaming dalawa dahil sa pag-angat ko ng tingin sakanya "B-bakit aalis ka nanaman ba ulit?" "You don't want me to leave?" Umiling ako. "You're inlove with me." Sobra.. "I'm not" Tumawa siya habang ako'y nag iwas ng tingin. Nakatitig parin siya sakin na ngayon ay seryoso na ang mukha... "I'll make you fall then."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD