KABANATA 5

1321 Words
"Es, pila na raw sa may gym at parating na ang mga jeep." si Aileen na super cute sa kaniyang ponytail. Its September 17 and yeah Lakbay-Aral na. Excited kaming lahat dahil its been many years since our last Lakbay-Aral. We're wearing a white shirt and pants together with our school I.D. Kanina pang super excited ang mga gaga kong kaibigan at daig pa ang field trip dahil sa baon. "Una na kayo sa jeep sunod ako, magtatali lang ng buhok." "Sige tabi tabi tayo ha! Mamatay na lumayo." Si Vane "Una kang mamamatay, gala ka remember?" si Aileen. "Charot syempre keme lang yon. Kinabahan ako ng very light!" Dumiretso ako sa comfort room ng babae pag alis ng dalawa. I pigtailed my hair and nag liptint ng light para di naman ako mamutla. Pagkatapos noon ay bumaba narin ako. Una kaming nakarating sa Mabini Shrine. Tulad ng dati ay inilibot kami sa mga kwarto na naglalaman ng buhay ni Gat Apolinario. Nakita kong muli ang replika ng kaniyang kabaong at ikinuwento pa sa amin ang buhay niya. "Siguro kung nasa panahon lang ako ni Mabini, jojowain ko 'yan! Ang gwapo e." Si Aileen "Hindi ka papatulan nan Leen, ang p****k mo masyado!" wika ni Vane. Panay tawa lang ako sa pagtatalo ng dalawa hanggang sa makabalik na sa jeep ay sige parin ang singhalan. Pangalawa naming pinuntahan ay ang Library sa may plaza. Samu't saring mga books ang naroon maging ang para sa mga may kapansanan. Nag stop over kami sa Modesto kung saan may nag talk about sa mga issues na nangyayari sa aming lugar then after noon ay doon narin kami nag lunch. 1pm nang makarating kami sa Wawa. Kitang kita doon ang Taal at napakasarap ng simoy ng hanging aming nalalanghap. "Selfie naman tayo! Ang ganda dito e. Kung wala lang mga teacher siguro ay nilangoy kona ito!" "Oo Aileen ng manahimik na kami ni Este, ang sakit mo sa tenga e!" Si Vane "Lunurin ko kayo pareho e. Sakit ninyo sa tenga malma!" ako sabay irap sakanilang dalawa. After Wawa, pumunta naman kami sa farm sa Bagbag. Vista Farm na pagmamay-ari ng apo ng mayor. "Nandito kaya si baby Oli?" Si Aileen Nagkibit balikat lamang ako. "Ito yung sinasabi ko sa'yong farm nila ni Kiana. Tapos doon sa dulo ang office ni Oli. Sayang naman wala siya dito! Edi sana magpapahabol ako sa baka!" "B-baka?" "Oo baka, cow Estella." "Ay putcha! Kingina mo ka lumayo ka sa akin kapag magpapahabol ka!" sabi ko. "Eto naman napaka nerbyosa joke lang gagi." sabay halakhak niya Lumibot lang kami sa farm. Maganda iyon at tingin palang ay inaalagaan talaga. Ipinakita rin sa amin ang mga iba't ibang worms na inilalagay para mabuhay ang pananim. Buti nalang ay wala doon ang mga baka kung hindi...makakauwi ako ng wala sa oras. Last destination namin ay ang City Hall. Malamig doon kaya nagsuot ako ng black jacket bago bumaba ng jeep. Sinalubong naman kami ng staff ni mayor. "This way po ma'am yung office ni mayor Rodolfo." Tumaas kami sa pangalawang palapag at sinalubong kami ng nakangiting mayor. Gwapo si mayor kahit matanda na. May pagkakahawig sila ng apo niya. Siguro ay sobrang gwapo nito noong kabataan niya. "Good afternoon students, kamusta naman ang araw ninyo?" "Ayos lang naman po mayor." Sabay sabay na wika namin. "Pasensya na kayo at hindi kopa naaayos ang mga papel kaya nariyan at nakatambak." Ngumiti lamang kami. Makamasa talaga itong si Mayor kaya siya lagi ang binoboto ng mga tao. "Halina kayo at ililibot ko kayo sa buong City Hall." wika ni mayor at agad pinangunahan ang paglalakad. Nasa huli kami at ramdam kong naiihi na ako kaya naman... "Cher Perez, naiihi po ako. Saan po kaya pwedeng mag banyo dito?" tankng ko sa aking guro. "Under maintenance daw ang mga C.R ngayon dito sa second floor at kung bababa ka naman ay baka maihi kana riyan. Doon kana lamang umihi sa meeting hall ni mayor. Naitanong kona iyon kanina at pwede naman raw maki banyo roon." "Sige po cher. Balik po ako kaagad." Tumango lang ang guro ko sa akin at ngumiti. "Magbabanyo lang ako Leen, itext nyo ako ni Vane para alam ko kung saan ako pupunta. Baka maiwan ako rito. Paki hawak narin muna nitong jacket ko." sabi ko. "Oo sige bilisan mo ha!" Tinalikuran kona sila at dumiretso na meeting hall. Pagbukas na pagbukas ko ay may nakita akong isang nakatalikod na lalaki. He looks familiar. Ang gwapo ng likod putcha! Maingay yata ang pagkakabukas ko kaya napatingin siya sa direksyon ko. Apo pala ni mayor. "A-ah pwede bang makibanyo? Naiihi na ako e." "You didn't knock miss." "Oh yeah I'm sorry cuz my ahm ano yung pantog ko kasi sasabog na! Hindi ko rin naman kasi alam na may tao pala." He chuckled "You're what?" "Yung pantog ko kako sasabog na. P.A.N.T.O.G." Humalakhak lang siya sa sinabi ko. "Paiihiin mo ba ako o hindi? Kasi mamamaho rito kapag dito ako inabutan!" "Of course I'll let you. Go to the comfort room and pee." he said. Nagmartsa ako papasok ng banyo at naglabas na ng dapat ilabas. Nagpulbo narin ako at nag tint, pero dahil sa katangahan ko ay tumapon ang tint ko sa aking white shirt. Tangina. Iniwan kopa naman yung jacket ko kay Aileen. Hindi kona ginalaw pa ito dahil baka mas lalong kumalat pa kung babasain ko. Lumabas na ulit ako ng banyo. "Salamat." walang emosyong wika ko sa kanya. Tatalikuran kona sana siya pero agad niyang hinila ang palapulsuhan ko kaya napaharap ulit ako sakanya. Mas malapit pa. "May stain ang shirt mo." he said coldly. "Oo natapon kasi yung liptint ko e. Nadausdos sa damit ko kaya ito." sabi ko sabay hawak sa suot ko. "You don't have to put that tint on your lips. Ako lang naman 'to." "Anong sabi mo?" Imbes na sagutin niya ako ay bumitaw siya sa pagkakahawak sa akin at lumapit sa kaniyang upuan. May black na bag doon. Bunuksan niya iyon at may kinuha. I'm busy looking at this guy when my phone vibrated. Aileen: Anong petsa na te? Ihi ba ang inilabas mo o pururut na? Patapos na kami sa pag-iikot dito, wala ka parin! May diatabs ako dito kung nagtatae ka. Sabi na kasing 'wag patay gutom masyado. Hintayin ka namin sa baba ni Vane. Love you :* Hindi ko napigilan ang pag ngiti sa mensahe ni Aileen. Kahit kailan talaga ay advance mag isip ang isang ito. Nagtipa ako ng mensahe kay Aileen at pagkatapos ay binalik ang cellphone sa bulsa. Tumikhim naman ang apo ni mayor kaya napatingin ako sakanya. May dala siya ngayong white shirt na parang ginamitan ng Ariel sa sobrang puti. Idagdag pa ang madilim niyang tingin sa akin ngayon. "Wear this before you leave." malamig niyang sabi sabay abot noong damit. "O-okay." sabi ko sabay diretso ulit sa banyo para magpalit at binitbit ko ulit ang hinubad kong damit. Paglabas ko ay nagtitipa na ulit siya sa kanyang laptop. Hinarap ko siya. "Thankyou dito. Lalabhan ko nalang bago ko isauli sa'yo" "No need. Sa'yo na yan." "Hmm." sabi ko "Could you please stop it." "Ha?" nagtataka kong tanong. "That hmm." sagot niya sabay tumayong muli. "By the way who are you texting?" "And why are you so nosy?" "Your boyfriend?" tanong niya. Tumawa ako sa sinabi niya. "I don't have any. Too young for that." "Uh-huh nice to hear that. Halatang bata pa nga." Nagtaas ako ng kilay, "How do you say so?" "Liit pa masyado nan e" sabay turo sa dibdib ko. "Tanginamo, minamanyak mo ba 'ko? "Just kidding. Labas na baka maiwan ka ng jeep nyo Lakbay-Aral nyo?" He asked. "Y-yeah. Thanks to this ulit. Isasauli ko ito pagkalaba." His jaw clenched "Okay if that's what you want then return it." Tinanguan ko lamang siya at pagkatapos ay tumalikod na papalabas ng meeting hall ng hindi na muli pa siyang sinulyapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD