"You are alive!" bungad na saad ni Chel pagpasok ko ng office. Tinamaan ako ng hiya ng magsitinginan silang lahat sa'kin. "Anong akala mo sa'kin namatay?" usal ko rito. Nang makalapit ako sa kanya, kinurot ko ang tagiliran niya. Dumaing naman ito. "Ilang araw ka kasing hindi pumasok pati si Sir-----." huminto ito at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Huwag mong sabihin----" napatakip pa ito ng bibig. Dahil sa inis ko sa kanya binatukan ko siya. Umayos naman ito ng tayo at napakamot siya sa batok niya. "Kanonood mo iyan ng K-drama." usal ko rito. Rinig ko naman hagikgik nito. "So, bakit ka absent kung ganoon?" saad nito. Nakasunod lang siya sa'kin hanggang sa makapunta ako sa cubicle ko. Binaba ko ang gamit ako at muli ko siyang hinarap. "Girl, work muna tayo." usal ko rito. Mabu

