Nakaalis nga ako agad dahil kay Jaden at nakatipid din ako ng gas. Pero hindi ako nakaligtas sa kaingayan niya. He never stop talking nonsense. Paulit-ulit lang naman sana sinasabi niya. Siguro kahit gaano ka-energetic na tao kung si Jaden ang makakasama mo. Mauubos at mauubos ito, pati social battery mo madadamay. "Bakit mamatay ka na ba ngayon? Nakausap mo na ba iyong susundo sayo." walang gana kong usal dito. "Siguro---- kung mamatay ako mamaya. Ikaw na bahalang magsabi sa pamilya ko na mahal na mahal ko sila." muling pagda-drama nito. Umaarte pa ito na parang sobrang kawawa siya. I slowly covered my ears with my hands. My ears are getting hurt by this voice. "Ihatid mo muna ako bago ka mamatay." usal ko rito. Dahil kung gusto man niyang mamatay ngayon huwag niya kong idamay. Siy

