KABANATA IV

2660 Words
Nagising akong wala na si Jessy sa tabi ko. Malinis na ang buong kwarto at wala na yung mga pinag inuman naming dalawa at yung mga kalat- kakat na damit sa sahig. Tumingin ako sa salamin malapit sa kama at nakita kong hubod-hubad pa din ako. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at tumungo sa kasilyas para maligo. Habang naliligo ako ay napapa tulala nalang ako habang sinasariwa ko lahat ng mga nangyari sa amin ni Jessy kagabi. Ang bawat galaw at bawat halik na naramdaman ko kagabi ang siyang nag papabaliw sa akin ngayon. Binuksan ko ang shower at umagos ang tubig sa aking katawan. Malamig ang unang patak ng tubig ngunit habang tumatagal ay nagiging maligamgam na ito habang naliligo ako ay hindi ko namamalayan na napapangiti ang mga labi ko. Hindi ko maitago sa sarili ko na sobrang saya ko! Masaya ako ngayon kay Jessy  ngunit kailangan na naming putulin ang anumang meron kami ngayon dahil sa ikakasal na ako kay Bea. Alam ko kasalan ang umibig ng dalawa kaya sinusubukan kong tanggalin sa buhay ko si Jessy dahil mag kakasala ako sa maraming tao. Napahinto ako sa ginagawa ko habang iniisip ko si Bea. Naaawa ako sa kanya dahil nag taksil ako sa kanya bago pa ang kasal naming dalawa. Bakit kasi ngayon ka lang dumating sa buhay ko Jessy? Bakit ngayon pang ikakasal na ako kay Bea. Nag aalinglangan pa ako ngayon ngunit I need to pull myself! Nag commit na ako kay Bea and I really love her so much! Hindi ko lang alam ngayon kung bakit gumugulo ang utak ko kay Jessy. Pagkatapos ko maligo ay agaran akong nagbihis, nag-ayos ng gamit ko at bumaba sa kusina. Dahan-dahan akong tumungo sa kusina nagbabakasali na makita ko si Jessy roon at hindi naman ako nag kamali. Nakita kong masayang nagluluto ng pagkain si Jessy. Nakatingin lang ako sa kanya sa malayo ng bigla kong maalala na suot niya yung damit ko kahapon. Sinipat ko siya mula ulo hanggang paa ng mapansin kong wala siyang suot sa pambaba bukod sa panty niya. Sobrang nakakatulala siya! Ang puti ng kutis, ang kinis at ang sexy niya. Nakatayo lang ako sa bandang pintuan nila habang nakatingin lang sa kanya at hinihintay na mapansin niya ako ngunit marahil sa sobrang abala siya sa ginagawa niya ay hindi na niya ako napapansin na nakatingin sa kanya. Gustuhin ko man siyang titigan pa ng matagal ngunit ay sinusuntok na ako ng konsensya ko na wag ko ng pag pantansyahan pa si Jessy sapagkat may Bea na ako kaya kumuha ako ng panabing sa kanya para takpan ang kung ano mang pwedeng takpan sa kanya. Nagulat si Jessy sa ginawa ko. "Gising kana pala?" Gulat na tanong niya sa akin. "Oo, kanina pa. Nandiyan lang ako sa tabi-tabi pero hindi mo ako napansin kasi sobrang busy ka sa pagluluto mo. Naligo na din ako. Anong bang niluluto mo at sobrang busy ka?" tanong ko sa kanya. "Nag sangag lang naman ako ng kanin,  Nag Prito ng itlog, hotdog at bacon lang," Nakangiting sagot nito sa akin. "Wow! Ang dami naman pala ng niluto mo eeh? tatlo lang naman tayong kakain niyan," "Pwede naman natin baunin yung natira sa pag uwi natin," Nakangiting sambit niya sa akin. Lumakad si Jessy papalapit sa mga naglalakihang cabinet nila at binuksan ang mga ito nakataas ang kanyang mga kamay habang inaabot ang isang condiments. Hirap na hirap siyang abutin ito kaya tinulungan ko na siya ng bigla niyang naabot ang ketchup at nahulog sa kanya. Hindi ko nasalo ang ang ketchup kaya nabasag ito sa paa ni Jessy. "Awww!" Sigaw ni Jessy. Agad kong binuhat si Jessy papalayo sa nabasag na bote at pinaupo ko siya sa la mesa. Agad akong kumuha ng basang basahan para punasan ang mga kalat-kalat na ketchup sa paa ni Jessy. Pinunasan ko ito at nakita ko ang sugat sa paa niya maliit lang ito ngunit madugo kaya tinanong ko kung saan ang medicine kit nila. "Asan ang medicine kit niyo?" tanong ko sa kanya. "Meron ako sa kwarto," mabilis na tugon niya sa akin. Nagmadali akong lumakad papalayo sa kanya ng bigla niya akong tinawag sa pangalan ko. "Marco!" Sigaw niya sa akin.  Napalingon ako sa likod ko at nakita kong sumunod sa akin si Jessy. "Bakit ka pa sumunod sa akin?" Iritable kong sabi sa kanya. "Eeh kasi baka maligaw ka? Alam ko kung nasaan ang medicine kit," "Hayyy... Ano pa nga bang magagawa ko eeh nandito kana," sambit ko sa kanya sabay buhat. "Put me down! Baka makita tayo ni Manang nakakahiya!" hiyang sambit niya sa akin. "Eeh ano naman kung makita niya tayo? May sugat ka sa paa kaya binuhat kita." Masungit kong sambit sa kanya. Wala na siyang nagawa pa kung hindi tumahimik nalang at sumunod sa sinasabi ko. Pumasok na kami sa kwarto niya at inuupo ko siya sa kama niya. "Saan nakalagay yung medicine kit?" tanong ko sa kanya. "Nandun banda sa CR," sagot niya sa akin. Agad akong tumungo sa banyo at hinalughog ang mga gamit doon. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nahanap ko na ito. Binuksan ko ang loob nito at nakita ang pagkarami-raming laman.  "Mayaman nga talaga itong si Jessy." sambit ko sa sarili ko. Sinara ko na ang medicine kit at dinala ko na ito kay Jessy. "Alam mo Marco, Masyado mo akong bini-baby! Hindi na kita papayagang bumalik sa fiancee mo kapag ganito pa rin ang trato mo sa akin hanggang mamaya," Inis niyang sambit sa akin. Hindi ko alam para akong natauhan sa sinabi ni Jessy sa akin.  "Masyado ko na ba siyang bini-baby sa lagay na 'to? Baka mas lalo siyang mahulog sa akin? Ni-reject ko na siya pero ako naman itong ume-effort sa kanya." sambit ko sa sarili ko. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Hindi kita hahayaang masaktan. Naging maganda ang trato mo sa akin dito sa pamamayhay mo natural lang na dapat ay alagaan din kita bilang kaibigan," Nakangiting sambit ko sa kanya. Inabot sa akin ni Jessy ang medicine kit at kinuha agad ang alcohol sa loob nito. "Alam mo ang pag mo-move on parang sugat yan eeh. Sa una masakit pero kapag nilagyan mo na ng gamot katulad ng alcohol at betadine unti-unti ng mag hihilom ang sugat nito. Kaya pagkatapos ng araw na ito sisimulan ko na ding gamutin ang sugat na dinala mo," Seryoso niyang sambit sa akin. "Gaano na ba kalaki ang sugat na dinulot ko sayo?" Natatawang tanong ko sa kanya. "Wala kang nalalaman sa sugat na nararamdaman ko ngayon Marco. Wala," Iritableng sagot niya sa akin. "Hindi ko ma-express yung feeling ko parang ewan! Kakakilala lang namin pero ganun na agad ang attitude ni Jessy sa akin. Alam mo yung parang magkakilala na kayo ng matagal? Ewan! Basta hindi ko ma-gets ang mga babae." Habang nag da-drama si Jessy sa harap ko ay hinayaan ko na siyang gamutin ang sugat ng paa niya. Maliit lang naman ito malayo naman sa bituka kaya mabubuhay pa siya ng matagal. Nilagyan na niya ng band aid at tumayo na siya para maglakad palabas ng kwarto. "Hindi ka ba mag susuot ng pambabang damit mo?" tanong ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin kaya ako na ang kumuha ng susuotin niyang pambaba pagkatapos kong kumuha ng damit niya ay bumaba na din ako para sumama sa kanya. Pagbaba namin sa kusina ay pinaupo ko si Jessy sa upuan para linisin ko ang mga kalat-kalat na bote sa sahig. "Anong oras na? Bakit hindi pa rin lumalabas si Manang sa kwarto niya?" tanong sa akin ni Jessy. "Hindi ko din alam? Pagkatapos kong nilisan itong kalat mo ako na ang tatawag sa kanya," "Wow sa kalat ko aah? kung tinulungan mo ako kanila na abutin yun edi hindi sana nabasag." Pag susungit niya sa akin. Napapangiti nalang ako sa reaksyon ng mukha niya. Ang cute! Parang ewan lang. Pagkatapos kong linisan ang kalat sa sahig ay pinuntahan ko na ang kwarto ni Manang para ayain siyang kumain. "Saan ba ang kwarto ni Manang?" tanong ko kay Jessy. Lumingon si Jessy sa kaliwang bahagi ng bahay nila at ituro ang kwarto sa dulong banda. "Ok!" Naglakad na ako patungo sa kwarto ni Manang at kumatok ako sa kwarto ni Manang Josie para ayain siyang kumain ngunit hindi ito sumasagot sa mga tawag ko. Nakailang tawag at katok muna ako sa kwarto niya bago ako pumasok. Kinutuban na ako ng masama kaya pumasok na ako sa loob ng kwarto niya at nakita ko siyang nakahiga sa kama.  Hinawakan ko siya agad sa kamay niya at niyugyog para magising siya ngunit walang nangyari. Hinawakan ko ang kamay niya at leeg niya at nakaramdam ako ng kaunting t***k kaya sinimulan ko muli siyang yugyugin. "Jessy! Jessy! Jessy!" Paulit-ulit na tawag ko kay Jessy. Sumigaw ako ng malakas para marinig ni Jessy ang tawag ko.  "Si Manang, Jessy!" Sigaw ko ulit sa kanya. Dali-daling tumakbo si Jessy sa amin at nakita niyang nakahiga si manang sa kama. "Magbihis ka at tatawag ako ng ambulansya!" sigaw ko sa kanya. Paika-ika na tumakbo si Jessy para mag suot ng damit niya. Ilang sandali lang ay dumating na ang ambulansya. Isinakay si aling Josie doon. "Sinong kamag anak sa inyo?" tanong ng isang Nurse. Tinaas ni Jessy ang kamay niya. "Sumama ka sa amin." sambit nito. Agad na pumasok sa loob si Jessy at sumakay naman ako sa kotse niya para mag convoy sa kanila. Hindi na kami nakapag almusal kasi na torete na si Jessy. Hindi niya alam ang gagawin niya. Umaasa pa kaming mabubuhay si manang dahil nire-revive siya sa loob ng ambulansya. Ngunit pagdating namin sa ospital ay binawian na ito ng buhay.  Iyak ng iyak si Jessy dahil sa pagkamatay ni Manang. Hindi niya alam kung paano niya ito sasabihin sa pamilya niya at sa pamilya ni aling Josie. Nakaupo kami sa labas ng emergency nun ni Jessy habang umiiyak siya ng lumapit sa amin ang Doctor. "Kayo ba ang pamilya ng deceased person?" tanong niya sa akin. "Opo!" mabilis kong tugon. "Sinubukan muli namin i-revive ang pasyente ngunit wala na talaga itong buhay," Paliwanag nito sa amin. Tumayo si Jessy sa kinauupuan niya at nilapitan ang Doctor at hinawakan ito sa kanyang mga kamay. "Doc! Doc! Parang awa niyo na isalba niyo si Manang!" Pang mamakaawa niya sa Doctor. "Wala na po kaming magagawa Ma'am dahil ayon sa rescuer sa daan palang po ay wala ng buhay ang pasyente," Paliwanag ng Doctor sa amin. "Ano pong cause ng pagkamatay ni Manang?" tanong niya sa Doctor habang patuloy na umiiyak. "Heart attacked po Ma'am. Paki-pirmahan nalang itong dokumento na dala ko." sambit ng Doctor. Napaupo nalang bigla si Jessy sa upuan ng marinig ang masamang balita. Parang nanghina ang mga buto ko dahil sa narinig ko. "Ang bilis! Parang kahapon lang ino-okray niya ako pero ngayon wala na siya." malungkot kong sambit. Tumingin sa akin si Jessy at ibinaling ni ang atensyon niya sa akin. Sobrang wasted ng mukha ni Jessy kakaiyak sobrang nakakaawang tingnan. "Bakit kailangang masaksihan ko ang kamatayan ni Manang, Marco? Bakit?" sambit niya habang humahagulgol siya sa pag iyak. Hindi ko alam kung anong pwede kong sabihin sa kanya para mabawasan ang lungkot sa puso niya sobrang nalulungkot ako para kay Jessy kasi si Manang na ang naging pamilya nito buhat nung umalis ang pamilya niya pa Europe. Si Manang na ang naging takbuhan niya kapag may problema siya. Pinapapunta pa naman ni Jessy ang anak ni Manang dito sa Laguna para mag aral pero hindi na ito matutuloy pa. Habang patuloy sa pag iyak si Jessy ay inabot ko ang cellphone ni Manang na kinuha ko mula sa kwarto niya kanina. "Tawagan mo na ang pamilya niya para alam nila kung anong nangyari kay Manang," Malungkot kong sambit sa kanya. "Marco," habang umiiyak siya. , "Bakit ngayon pa? Bakit ganun? Lahat nalang ng mahal ko iniiwan ako? Bakit? Isinumpa ba ako? Wala namang akong ginawang masama bakit lagi nalang akong iniiwan?" sambit niya habang patuloy sa pag agos ang luha sa mga mata niya. Niyakap ko siya nang mahigpit! Sobrang higpit! Sinusubukan kong i-comfort siya sa lungkot na nadarama niya ngayon. "Hindi mo naman kasalanan ang nangyari. Dahil na siguro sa katandaan ni Manang kaya ganun. Tawagan mo na ang pamilya niya at pamilya mo para alam nila," sambit ko sa kanya. Tinawagan niya ang pamilya ni Aling Josie at mas lalo ng bumuhos ang kanyang luha ng nakausap niya ang panganay na anak ni Aling Josie. Napag-desisyonan ng pamilya ni Manang na iuwi ang labi nito pa Davao para makasama nila kahit sa huling pagkakataon ang kanilang ina. Mga bata palang daw sila nandun na si Manang Josie. Doon na tumanda si Manang sa kanila kaya halos hindi na kasama ni Manang ang kanyang mga anak. Kinausap din ni Jessy yung kuya niya at agarang nag padala ito ng pera para sa transportation ni Aling Josie pa Davao. Kinausap muli ni Jessy ang anak ni aling Josie. "Kami na po ang bahala sa lahat ng gastusin kay Manang.  Sa libing at sa pabiyahe niya papunta diyan. Uuwi daw po ng pilipinas ang pamilya ko upang madalaw ang mga labi ni Manang. Inasikaso na agad ni Jessy ang ticket ni Manang pa Davao. Mabilis lang niya na process ito kasi kilala ang pamilya niya sa larangan ng business. "Ok na Marco, Bukas na bukas ay dadalhin na si Manang sa Davao," Malungkot na sambit nito sa akin. , "Ito na din siguro ang huli nating pagkikita. Pwede mo na akong burahin sa isipan mo. Kalimutan mo na ako. Wag ka nang mag alala pa sa akin. Ok lang ako!" Sinasabi niya sa akin habang humahagulgol siya. Nakatingin lang ako sa kanya habang nag sasalita siya. Walang kalatoy-latoy ang pag sasalita niya. Ramdam ko na sobrang lungkot niya na mag isa nalang siya ngayon. Wala na siyang matatakbuhan kapag malungkot siya. "Saan ka ngayon tutuloy? Uuwi ka sa rest house nyo o sa condo mo?" tanong ko sa kanya. "Baka diyan muna ako sa rest house. Uuwi buong pamilya ko sa susunod na araw at buong pamilya kaming pupunta sa Davao. Baka hindi na din talaga tayo mag kikita pa kahit na kailan kasi sasama na ako pa Europe. Haharapin ko na ang dapat kong harapin doon. Goodluck sayo at best wishes Marco!" sabay halik niya sa aking labi. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ewan ko parang ayokong umalis at iwan siya. Gusto ko pa siyang makasama lalo na ngayon na nabawasan sila ng myembro ng pamilya. Alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay. Mamaya kung ano pang mangyari dito baka hindi ko kayanin kung may mangyaring masama sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganpto ako, bakit ganito ang pakiramdam ko sa kanya. Alam kong maaga pa para magkagustuhan kami pero ewan ko bakit ganun nalang ang care ko sa kanya. "Aalis na ako Jessy." Malungkot kong sambit sa kanya. Hindi siya umiimik. Hinayaan niya lang akong umalis sa tabi niya. Patuloy ako sa pag lalakad papalayo sa kanya ngunit kahit isang tingin ay wala akong nakita kay Jessy. Iniwan ko na si Jessy na mag isa sa ospital. Pilit ko pa ring sinusulyapan si Jessy ngunit hindi ko na siya matanaw. Dito na nag simulang mawala ang communication naming dalawa. Hindi ko alam bakit sobrang nasaktan ako sa nangyari sa aming dalawa alam kong wala dapat akong ika-arte kasi wala kaming label na dalawa pero piling ko parang napakatagal na naming nag kasama na dalawa. Nakauwi na ako sa bahay pero yung diwa ko ay nasa ospital pa rin. Sariwa pa rin sa memorya ko ang nangyari parang isang bangungot na dapat ay hindi na binalikan. Yung nararamdaman ko parang hiwalayang mag kasintahan sobrang affected ako sa nangyari kahit na wala dapat akong ikalungkot. I feel sorry for Jessy. Ikakasal siya sa taong hindi niya pa nakikita at nakakasama. UPDATED JULY 19, 2020
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD