ANGELA'S POV
Hindi ko na pinansin si Jaiden, saka ako lumabas ng girl restroom mabuti nalang at walang nakapansin sa 'kin.
Pumunta ako kung nasaan si James, malaki ang ngiti ng loko.
"I saw Kuya Jaiden enter the girl's restroom" nakangising sabi niya namula naman ako at inalis ang tingin sa kanya.
"Baka may kapatid na agad si Angela, sabihan mo lang ako at ako ulit ninong ha!" nakangising sabi niya kaya binatukan ko siya.
"Tigilan mo ko James!" Singhal ko sa kanya pero tumawa lang siya.
"Puwede ko bang makasayaw ang unang babaeng minahal ko?" Nakangiting tanong niya ngumiti lang ako saka kinuha ang kamay niya.
Nilagay ko ang kamay ko sa balikat niya siya naman ay sa bewang ko.
"James, sino ba talaga si Jaiden?" Tanong ko sa kanya halatang nagulat siya sa tanong ko.
"Tao, puwede ring hayop" sabi niya
Bakit ba nagiging ganito si James, hindi naman siya ganyan dati naging 2.0 version na siya ni Kuya Anthony.
"Umayos ka nga" masungit na sabi ko sa kanya.
"Si Kuya ahm, may kapatid siya half sister sa father niya, ako kasi kapatid niya kay Mommy" sabi niya nagulat naman ako sa narinig ko.
"Parang ang gulo naman!" Sabi ko tumawa naman siya
"Si Mommy kasi saka yung Daddy niya ay hindi naman talaga mahal ang isa't isa, they arrange marriage" sabi ni James kaya napatango ako.
"But you know, I admire Kuya because at a young age, I think he was only 13 years old, he was already managing a company." sabi niya tipid naman akong ngumiti ayoko man aminin pero humahanga din ako kay Jaiden.
"Tapos si Kuya nung pinanganak ako ni Mommy hindi na siya naalagaan tapos yung Daddy ni Kuya ay may pamilyang iba, ang hirap noon kay Kuya Jaiden" sabi niya bigla naman nangilid ang luha ko kasi natandaan ko ang sinabi sakin ni Jaiden noon.
"My parents have their own families now, and I'm on my own. It's okay, at least I have myself and I have you. But I fear I might lose my mind if you were to disappear."
Napaluha ako ng matandaan ko iyan, naalala kong sinabi sakin ni Jaiden yan noon.
Tumigil na ang tugtog kaya huminto na kami ni James sa pagsasayaw pinunasan ko ang luha ko.
"Wag kang umiyak, nakatingin sayo si Kuya" sabi niya
"Sabihin mo nga ano ba talagang meron kay Jaiden at Catherine" mahinang sabi ko napahinto naman si James at inalis ang tingin sakin.
"Kaibigan i guess?" Nakangiting sabi ni James hindi naman kasi nakikipag biruan.
"Gusto kong malaman, gusto kong malaman lahat James, alam kong may alam ka." Sabi ko tipid lang siyang ngumiti sakin
"Hindi ako puwedeng mag kuwento sayo dito sa kotse nalang" sabi niya at nakatingin sa kanang bahagi ko.
Nagulat ako ng biglang may nagpaputok ng baril at tumama ito sa kanang braso ko.
"Ahhh" daing ko
"ANGELA" sigaw nila Kuya
Hinatak ako ni James para maka alis na kami dito.
Hindi ko alam kung ano itong dinadaanan namin.
"J-james" nauutal na tawag ko sa kanya.
"Trust me, Angela" sabi niya at naglakad dire-diretso.
Nang makarating kami sa parking lot ay pinag buksan niya ko ng pinto ng kotse dali dali naman akong pumasok.
Sumakay si James sa driver seat saka may taling kinuha tinali niya ang braso ko napa pikit ako ng maramdaman ko ang sakit.
Nakarinig ako ng putukan
"Sila Kuya?" Tanong ko kay James.
"Kaya nila yon" sabi niya at ngumisi
Kahit papaano ay nawala ang pangamba ko sa sinabi niya.
"E, si J-jaiden?" Nauutal na tanong ko
"Mas lalong kaya niya yon, siya ba naman rank 1" sabi niya kaya hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya.
"A-ano kamo si Jaiden ang Rank 1?" Tanong ko
"Alam mo?" Balik na tanong niya.
"May tumawag sakin naaalala kong sinabi niyang ako daw ang kahinaan ng rank 1 at rank 2, nung nasa cubicle ako kanina may pumasok naririnig ko ang pinag usapan nila, hinahanap nila ko" sabi ko sa kanya kaya naningkit ang mata niya.
"F*ck" sabi niya at hinampas ang manibela.
Kinuha ko ang cellphone ko pero wala ito.
Teka nasaan ang cellphone ko.
"J-james n-nakita mo ba ang c-cellphone ko?" Nauutal na sabi ko sa kanya.
"Hindi, bakit wala ba sayo?"
"W-wala" sabi ko paano kung tumawag ang anak ko.
Napayuko ako ng may nagpapaputok sa sasakyan ni James pinaandar na niya ito, pero hinabol nila kami.
"They will go through me first before they get you"
sabi ni James kaya napangiti ako
Patuloy pa rin ang pagpapaputok sa sasakyan ni James kaya mas binilisan niya ang takbo ng kotse.
"Marunong ka?" Tanong ni James saka inabot sakin ang isang baril tumango ako saka ito kinuha.
Kinasa ko ang baril na hawak ko saka lumingon ako sa likuran.
Inasinta ko ang gulong ng sasakyan ng kalaban, tatlong at beses ko itong pinaputakan.
"Damn, ang angas" sabi ni James
May apat na sasakyan pang sumulpot at patuloy silang nagpapaputok, magaling magmaneho si James kaya hindi nila natatamaan ang gulong ng sasakyan niya.
"Nasan kayo" rinig ko ang malamig na boses ni Jaiden, tinawagan pala siya ni James.
"Isesend ko yung location, maraming nakasunod samin ako yung nagmamaneho, may tama si Angela."
"I will kill you, James, if anything happens to Angela" Sigaw ni Jaiden sa kabilang linya.
"Chill bro" sabi ni James
"Pupuntahan na namin kayo, within 5 minutes" Seryosong sabi ni Jaiden saka pinatay ang tawag.
Napatingin sakin si James
"S*hit, namumutla ka na" sabi ni James.
Kaya ko pa.
Nagpaputok ako pero wala ng bala.
"Wala ng bala" sabi ko, kamalasan talaga.
Mas binilisan ni James ang pagpapatakbo napatingin ako sa likuran ng madaming kotse ang nagsisidatingan saka binabaril lahat ng kalaban.
"Nandito na rin" sabi ni James
Binabaril ng mga tauhan ni Jaiden ang mga kalaban si Jaiden naman ay pumantay samin.
Tumingin siya sa 'kin saka binilisan niya ang takbo ng sasakyan niya sumabay naman si James wala na kong naririnig na putukan kaya hininto ni James ang sasakyan.
Huminto din si Jaiden.
Bumaba si James saka si Jaiden sa sasakyan pero nagulat ako ng kasama pala si Catherine, bumama din si Catherine sa sasakyan.
Ako naman ay nahihilo, pinilit kong bumaba at naglakad ako papunta kila Jaiden.
Nakakaramdam ako ng sakit ng ulo ko, nandidilim din ang paningin ko.
Mabilis na pumunta sakin si Jaiden, bago ako mawalan ng malay ay naramdaman kong sinalo niya ko.