Chapter 24

778 Words
ANGELA'S POV "M-mommy" mahinang sabi ng anak ko kaya napatayo ako nakita ko ding gumalaw ang kamay niya. "Doc" tawag ni Kuya Anthony kay Doc Alvarez nakasunod naman sa kanya si Xianna. "Do you feel anything?" Nauutal na tanong ko sa anak ko. "Nagugutom kaba?" Tanong ko ulit "A-anong gusto m-mong pagkain?" Hindi ako mapakali sa kakatanong. Hinawakan ni Jaiden ang kamay ko kaya napatingin ako dito. "Don't panic" sabi niya napakalma naman ako nito. "Dahan dahan lang sa pagtatanong, anak" sabi sakin ni Dad. Bumukas ang pinto at pumasok si Doc Alvarez. Chineck niya ang anak ko, pinapanood ko lang ang ginagawa niya. "I'm glad she woke up, your child is fine, Mr. Velasquez and Ms. Hernandez, she just needs some rest." sabi ni Doc sa tuwa ko ay niyakap ko siya. "T-thank you Doc" sabi ko Tinapik ni Doc ang likod ko "It's okay, and it's also my duty-------" hindi natapos ni Doc ang sasabihin niya ng hinatak ako ni Jaiden kaya napasubsob ako sa dibdib niya. "F*ck" Jaiden softly cursed, only I heard it. "Don't hug her" seryosong sabi ni Jaiden kay Doc Alvarez. Ano daw, bakit naman. "What's mine is mine" sabi pa ni Jaiden, kaya namula ako. Anong what's mine is mine, hindi ako bagay na binebenta na puwedeng angkinin nalang. "M-mommy I-i w-want food" sabi ng anak ko "I'll buy it" sabi ni Jaiden kaya tumango naman ako. Lumabas na si Doc ganun din si Jaiden, ako naman ay umupo sa gilid ng anak ko. Hinaplos ko ang mukha niya. "M-mommy" nauutal na sabi niya Nginitian ko ito. "Thank you baby" naluluhang sabi ko "Salamat kasi lumaban ka" sabi ko "Like I said, I'm strong po, Mommy" sabi niya "Galit ka ba kay Mommy?" Tanong ko "No, Mommy, I'm not angry at you" sabi niya "I love you, baby" sabi ko saka ito niyakap Naramdaman kong nababasa ang damit ko ng tingnan ko ito ay luha pala ito ng anak ko, hinaplos ko ang ulo niya. "T-tahan na" sabi ko sa kanya "I'm sorry, Mommy" umiiyak niyang sabi. "Tahan na, baby" sabi ko at kumalas sa yakap pinunasan ko naman ang luha niya. "I miss you, apo" si Daddy Hinalikan naman ni Mommy ang pisngi ni Althea "I miss you, my grandchild" "¿Cómo estás?" Tanong ni Kuya Anthony kay Althea, saktong pumasok si Jaiden dala ang pagkain. (A/N: "¿cómo estás?" In English "How are you") "Estoy bien, Tío" sagot ni Althea (A/N: "Estoy bien, Tío" In English "I'm fine, Uncle" Ginulo lang ni Kuya Adrian ang buhok ni Althea. Wala nga pala si Kuya Alvin dito ganun din si Catherine saka si James. Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at pumasok si Jaiden. Kinuha ko kay Jaiden ang pagkain na binili niya saka ko ito binuksan, ito ay mashed potato. "Bawal pa siyang kumain ng kanin" sabi ni Jaiden, tumango naman ako dahil bawal pa nga. Pinakain ko na ang anak ko. Habang ngumunguya siya ay napapansin kong kanina pa siya tingin ng tingin kay Jaiden. "G-gusto mo bang si Daddy mo ang magpakain sayo, baby?" Tanong ko hindi siya kumibo pero na kay Jaiden pa rin ang tingin niya. Nginitian ko si Jaiden saka ko sa kanya inabot ang pagkain. "You can do it" sabi ko sa walang boses nung nakita ko ang pag aalangan sa mata niya, alam kong natatakot siya. Natatakot na kagaya nung unang pagkikita nila ang mangyari. "Nak, labas muna kami" sabi ni Mommy "Sige po" sagot ko Pinapanood kong pakainin ni Jaiden si Althea. "D-daddy" nauutal na sabi ni Althea "Yes baby, d-do you want water?" Nauutal na tanong ni Jaiden. Ako ba di niya aalukin? Nag umpisa nanamang umiyak si Althea tiningnan ako ni Jaiden, nginitian ko lang siya. "D-daddy, w-wag m-mo na po k-kaming i-iwan" humihikbing sabi ni Althea. Lumamlam ang tingin ni Jaiden kay Althea. "Hindi na anak" sabi ni Jaiden saka ito niyakap. Mas lalong umiyak si Althea. Tumulo ang luha ko habang nakatingin sa kanila. "Daddy, wag ka nang aalis, please po" umiiyak na sabi niya Ang sakit pero nakakatuwa din. Tear's of joy na itong iyak ko. "I won't leave, baby, Daddy will stay right here and won't leave you" sabi ni Jaiden. Napatingin sakin si Jaiden napansin niyang umiiyak din ako. Sh*t, mabilis kong pinunasan ang luha ko. Nginitian ko lang siya saka ako lumapit sa kanila. "Wag ka nang umiyak baby" pagpapatahan ko sa anak namin. Paulit ulit na hinahalikan ni Jaiden ang ulo ng anak namin. "Hindi na po, Mommy" sabi ni Althea "Kumain ka na, iinom ka pa ng gamot" sabi ko "Opo" sabay na sagot nila kaya natawa naman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD