ANGELA'S POV
Tumayo ako at akmang aalis na nang hinawakan niya ang kamay ko.
Para akong nakuryente sa init ng palad niya, kaya humarap ako sa kanya.
Sinampal ko siya "Please, umalis ka na tigilan mo na ko" nanghihinang sabi ko saka bumagsak ang luha ko.
"N-no, let me explain, please" pagmamakaawa niya.
"F*CK THAT EXPLANATION" Galit na sigaw ko kanya.
"N-naalala mo yung araw na nagmamakaawa ako sayong wag kang umalis Jaiden" Humihikbing sabi ko napaluhod nalang siya.
"Naalala mo din ba yung araw na tinulak mo ko, d-dinugo ako Jaiden at kitang kita mo" naninikip ang dibdib ko habang iniisa isa sa kanya lahat.
Patuloy pa rin akong umiiyak nakita kong bumagsak ang luha niya, ito ang unang beses kong nakitang umiyak siya.
Nakayuko lang siya at tahimik na umiiyak.
"A-at sempre alam kong hindi mo m-makakalimutan ito, alam kong naaalala mo yung araw na pinili mo yung k-kaibigan ko kesa sa 'kin na g-girlfriend m-mo" nauutal na sabi ko at patuloy na lumuluha.
"At hindi pa tapos, diba sinabi mo ring ipalaglag ko ang bata" patuloy na naglalandas ang luha ko tumingala siya sa 'kin, namumula na ang mga mata niya.
"Ano Jaiden, hindi ka na makapag salita?" Sarkastikong sabi ko sa kanya.
"I'm sorry" tanging nasabi niya tumawa naman ako.
"Sorry?" Umiling na tanong ko at kinagat ko ang ibabang labi ko.
"Anong magagawa ng sorry mo" umiiyak na sabi ko sa kanya "A-anong g-ginawa ko s-sayo, b-bakit g-ginanito mo k-ko Jaiden" humihikbing sabi ko
"Dinurog mo ko Jaiden, wala akong ginawa kundi ang mahalin ka pero dinurog mo ko" patuloy pa rin akong humihikbi.
Napatakip siya ng mukha at saka lalong napahagulgol wala siyang masabi kung hindi ang sorry.
"Sana hindi ka naging masaya, sana balikan ka ng karma" salitang iniwan ko at naglakad palayo sa kanya pero bago pa man ako tuluyang makalabas ay narinig ko ang sinabi niya.
"Matagal na kong binalikan ng karma, Angela" yan ang narinig ko sa kanya bago ako makalabas.
Lumapit ako sa kotse at ako na mismo ang nagbukas saka naupo sa backseat.
Hindi na nagsalita pa si Xianna pero kita ko ang pasulyap sulyap niya sa'kin
Tahimik akong lumuluha habang nakatingin sa labas ng bintana.
Pumikit ako at naalala ko ang sinabi niyang matagal na siyang binalikan ng karma.
Hindi ba dapat maging masaya ko kasi pinamuka ko sa kanya lahat ng ginawa niya pero ako hindi ko magawa, bakit nasasaktan din ako.
Naging masaya nga ba ko o patuloy pa rin akong nakabaon sa nakaraan?