ANGELA'S POV
Nandito ako sa bar nagpaalam naman ako kila Kuya.
Pag ba uminom ako matatanggal ang sakit.
"Kuya isang baso pa nga" sabi ko sa bartender.
"Enough of that, you're drunk already." May nagsalita sa likod ko.
Humarap ako sa kanya pero nanlalabo ang paningin ko ang sakit na din ng ulo ko.
"Sino ka ba para utusan ako!" Naiiritang sabi ko at tinuro ang lalaking nasa harapan ko ang tangkad niya 6'5 siguro ito pero teka nga si Jaiden din 6'5, e.
Baka mag ka height lang sila.
"Your future, husband" malamig na sabi nitong nasa harapan ko.
"Future husband mo mukha mo, tinanong mo muna sana ako kung gusto kitang maging asawa" sarkastikong sabi ko nagpunta ko dito para kahit papaano makalimot sa lalaking 'yun tapos ito makaka usap ko, isa pang sakit sa ulo.
"I hope I never left you, I'm so sorry for what I did, Angela" sabi nitong lalaking ito
"Kilala mo ko?" Tanong ko
"Kilalang kilala"
"Weh?" Tanong pero parang ang gaan ng loob ko sa lalaking ito, may kamukha talaga siya e, parang si Jaiden.
Pero dahil madilim ang ilaw dito sa bar na to ang hirap, nahihirapan akong mukaan kung sino ba talaga ito plus nanlalabo din ang paningin ko.
Hinapit niya ang bewang ko kaya napalapit ako ng husto sa kanya, ang bango niya.
Onting onti nalang mahahalikan na niya na ko kaya ibinaling ko sa iba ang tingin ko.
Ang problema ay naramdaman ko ang ilong niya sa leeg ko.
"Sabihin mo nga dati ka bang aso at inaamoy mo ko?" Tanong ko
Mahina siyang tumawa sa tanong ko
Sh*t, bakit ang sarap pakinggan ng tawa niya.
"I miss you so much, love."
"Jaiden" Wala sa sariling sabi ko.
"At the right time, my love, you will know too, sorry if I hurt you" sabi niya kaya mas lalong sumakit ang ulo ko epekto ba ito ng alak.
Bakit ganito siya magsalita, bakit kasi ang dilim sa bar na ito.
"Matagal na akong binalikan ng karma, Angela. I don't want to hurt you but I have to do it. Kahit masakit, mas gugustuhin ko na lang na kamuhian mo ko"
"M-may k-kasalanan ka ba s-sa 'kin, ba-bakit g-ganyan ka magsalita" nauutal na tanong ko
"Lasing ka na nga" Sabi niya tsk hindi pa ko lasing, onti lang.
"Pangako kapag okay na ang lahat, babalik ako. I just need to finish what they started." Sabi niya at hinalikan ako sa noo napapikit naman ako.