Chapter 14

501 Words
ANGELA'S POV "Kuya lahat na nga yang alak na yan ilagay mo dito sa harapan ko, iinom pa ko" sabi ko sa bartender "Don't," Pigil ng lalaking ito napairap nalang ako saka kinuha ang baso ko. Nagsalin ako sa baso at akmang iinumin pero kinuha ng lalaking ito ang baso at siya ang uminom. "What the f*ck" sabi ko at napanganga ako sa ginawa niya. "Your mouth, love." sabi nito "Wag mo nga akong tawaging love at naaalala ko lang si Jaiden" walang gana kong sabi sa kanya. "That's good" sabi nito at parang natutuwa sa narinig. "Sabihin mo nga may nakakatuwa ba sa sinabi ko?!" Tanong ko "Hmm" sabi niya "Bakit ba ang ganda ganda mo?" Tanong nito "Maganda talaga ang lahi namin" simpleng sabi ko Tumawa naman siya shet naman bakit ba kasi sarap sa pandinig ng tawa nitong lalaking ito. Kumalma ka, Angela. "I'll take you home" sabi nito pero umiling ako "Ayoko pa at wala kang magagawa" ani ko "Okay" sabi niya saka ako binuhat ng parang sako. "KUYANG BARTENDER TULONG!" Sigaw ko, omg kikidnapin ba niya ko pagkatapos ibebenta ako sa mga nangunguha ng laman loob tapos kukunin nila yung heart tapos yung kidney ko. Hindi puwede. Nagpupumiglas ako pero ang lakas niya ako lang ang nasasaktan kaya tumigil na ko. Siguro ito na ang katupasan ko, siguro makukuha na nga ang kidney ko. Napaluha nalang ako pano yung anak ko, paano si Althea. Sinakay niya ko sa kotse niya saka pumasok na siya sa kabila. Amoy ko sa buong kotse ang pabango niya, ang bango. "Damn, why are you crying?" Tanong niya saka itinaas ang mukha ko kaya napatitig ako sa mata niya pero ang dilim pa rin. Ang dilim na nga sa bar pati ba naman sa kotse. "P-paano kinidnap mo na ko, kakasuhan talaga kita, sunod anong gagawin mo kukunin mo yung kidney ko!" Umiiyak kong sabi. Tumawa siya "Iba talaga ang tama sayo ng alak, love" "No, I'll take you home, I won't kidnap you" tumatawang sabi niya kaya mas lalong akong umiyak. "SCAM YAN!" Sigaw ko sa kanya Hinawakan niya ang mukha ko saka ako hinalikan. Napakurap kurap ako habang siya ay nakapikit. Biglang umurong ang luha ko, napapikit na rin ako at sinabayan ang labi niya, nakakabaliw ang halik niya. Mas lalo akong napapikit ng bumaba ang halik niya sa leeg ko. Pero huminto siya at tiningnan ang mata ko hinawakan niya ang pisngi ko saka bumaba ang kamay niya sa labi ko. "I miss your lips, pero wala ka sa sarili mo, ayokong gumawa ng ikakagalit mo" sabi niya "Puwedeng mag request?" Tanong ko "Hmm?" Inumpisahan na niyang paandarin ang sasakyan. "Can I have one more?" Sabi ko "One more what?" he asked, chuckling softly. "Isang kiss pa" sabi ko namamangha naman siyang tumingin sa 'kin. "Sino ako para tanggihan ka" sabi niya at hinalikan ako pero smack lang. Pinaandar na niya ang kotse tumingin naman ako sa labas, nakakaramdam na ako ng antok kaya pumikit na muna ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD