Chapter 15

804 Words
ANGELA'S POV "Ahhh" daing ko kakabangon ko lang at napaka sakit ng ulo ko. Ano bang ginawa ko kagabi at wala akong maalala natatandaan ko lang ay uminom ako. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang tatlong Kuya kong nakatingin sakin. Pare-parehas silang napahilot sa mga ulo nila, anong problema ng tatlong bibe na ito. "Hayst, ang usapan natin saglit ka lang at onti diba!" Sermon sakin ni Kuya Alvin "At tatawag ka sa 'kin para sunduin kita!" si Kuya Anthony "Pero umuwi ka dito ng lasing na lasing at hindi na nagpasundo, iba pa ang naghatid sayo!" Si Kuya Adrian "Pero nak ang gwapo ng naghatid sayo ah" Si Mommy na kakapasok lang dito sa kuwarto at may dalang gamot saka pagkain, kasunod naman niya si Daddy. "S-sino po ba ang n-naghatid sakin d-dito kagabi?" nauutal na tanong ko "Tulog na ko noon, nak si Mommy mo ang nakausap" si Daddy "Mommy?" Tanong ko "Freus ang sabi niya" Sabi sakin ni Mommy kaya napanganga ako. Naubo bigla si Kuya Adrian "F-freus" nauutal na sabi ni Kuya Adrian. "Kilala mo ba siya anak?" Tanong ni Mommy kay Kuya Adrian. "H-hindi po" ako na ang sumagot ko "Pero nak kagabi nung hinatid ka niya, ayaw mo na siyang paalisin tapos paulit ulit mong sinabi na ang bango niya" nakangiting sabi ni Mommy halatang kinikilig. "Oh my goodness, Angela" si Kuya Adrian "What the hell" si Kuya Anthony "Ibang klase ka, Angela" si Kuya Alvin Si Daddy naman ay napailing nalang... Ako naman ay napapikit sa kahihiyan. Kainin na sana ako ng lupa, ginawa ko ba talaga 'yon. Bakit ba kasi wala akong maalala, nakakainis naman. "Tapos siya pa nag taas sayo dito" Si Mommy "Po?" Tanong ko "Boyfriend mo ba siya anak? Siya ba ang tatay ni Althea?" Tanong ni Mommy "P-po?" Nauutal ako "Wala lang anak nakita ko kasing bago siya umalis titig na titig siya sayo saka may sinasabi siyang ibang salita sayo e, ano nga bang salita yon Korean ata" si Mommy Napalunok ako may kilala akong marunong mag salita ng Korean si Jaiden pero hindi lang din Korean ang alam niya. Bukod kay Kuya Anthony marunong din siyang mag salita ng Spanish at iba't ibang language. Kinuha ko ang cellphone ko tiningnan ko ang calls nakita kong may naka lagay na mga letra pero ano bang ibig sabihin nito. Alam kong hindi ito basta basta letra dahil code ito, sh*t si Jaiden. Si Jaiden ang naghatid sakin kagabi dito. Siya lang naman ang kilala kong magaling pag dating sa code sh*t naman ano bang pinag gagawa ko kagabi. Baka panay kahihiyan...... Anong mukhang maihaharap ko doon sa lalaking yon pag nagkita kami. Ako talaga unang susuntok sa kanya bwisit. Tiningnan ko ang buong katawan ko kung may ginawa ba sakin ang lalaking iyon. Wala namang masakit sakin kaya check, wala siyang ginawa dahil kung meron ako ang unang papatay sa kanya. Nagbukas ang pinto, pumasok si Althea. "Mommy" sabi niya saka umakyat sa kama kumandong siya sakin saka yumakap. "Hmm, why baby?" Sabi ko "Mommy, san ka po galing?" Tanong niya "Sa inuman" Si Kuya Anthony sinamaan naman siya ng tingin ng lahat ng nandito sempre kasama ako. "W-what's inuman, Uncle?" Tanong ni Althea "W-wala anak" sabi ko "Mommy, a-anow po ba ahbig sabihin ng crush?" Tanong ng anak ko "Ang cute mag Tagalog" Tuwang tuwang sabi ni Mommy "Huh may crush ka na!" Si Kuya Anthony "Bawal yan" si Kuya Adrian "A strong feeling of romantic love for someone that is usually not expressed and does not last a long time.The person who has a crush is usually young or is behaving or feeling like a young person. a childhood crush." Paliwang ni Kuya Alvin. "Why did you ask, baby?" Tanong ko "I have a friend, Mommy. he kissed me on the cheek and said he had a crush on me" Napanganga ako sa narinig sa anak ko, at sinong bata naman ang humalik sa anak ko. Kaylangan kong maka usap ang magulang ng bata na iyon. "Mommy kaylan po uuwi si Daddy?" Tanong ng anak ko naubo ako sa tanong niya "Hindi ko alam anak e, pero promise uuwi si Daddy ha" sabi ko nalungkot naman siya. "I hate promises, because promises are meant to be broken, mommy" malungkot na sabi ng anak ko Napakagat nalang ako ng ibabang labi ko, dahil tama siya hindi ko naman talaga alam kung babalik pa ba sa dati. Parang napaka imposible kung oo. Iniwan tayo ng Daddy mo anak e, sumama siya kay Cath sa kaibigan ko. "Mommy why are you crying?" Tanong ng anak ko "W-wala baby, sabi ko saka siya hinalikan sa noo napatingin ako kila Mommy, Daddy saka sa mga Kuya ko na malungkot ang tingin sakin. Mapait nalang akong napangiti, napaka labong bumalik pa sa dati.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD