ANGELA'S POV
After 7 months
Nandito ako ngayon sa US wala akong magawa dahil sinabi na ni Kuya Adrian.
Kumontra sila Kuya Alvin at Kuya Anthony pero wala na rin silang nagawa.
Napahawak ako sa tiyan kong malaki na napangiti ako "Malapit ka ng lumabas baby, malapit mo nang makita ang ganda ng mundo."
Umupo ako dito sa upuan at tinanaw ko ang napaka gandang tanawin.
Napaka-raming halaman mahilig din ako sa mga halaman mga bulaklak napangiti ako ng mapait ng maalala ko si Jaiden, naalala ko nung kami pa walang araw na hindi niya ko binigyan ng bulaklak.
"You're smiling, but there's sadness in your eyes," napa angat ako tingin ng may lalaking nag salita.
"Upo ka" sabi ko sa kanya sinunod naman niya ko
"Dapat masaya ka, baka mamaya yung baby mo kapag nanganak ka maging malungkot parati" natawa ako sa biro niya.
"Napaka ganda mo," napatigil ako sa pagtawa at tumingin sa kanya
"thank you" sagot ko
"Kung hindi ako nagkakamali naging kaklase kita, high school tayo noon!" nagtataka naman akong tumingin sa kanya.
"Huh"
"Hindi mo na ba ko naaalala, ako to ang campus crush nung high school tayo na may crush sa 'yo noon, I even courted you back then, but I got rejected."
"James!" Gulat na sabi ko
"HAHAHAHA, that hurts. You really don't remember me. nakalimutan mo na pala ako" sabi niya sa 'kin umiling naman ako .
"Hindi ah, bakit ko makakalimutan yung unang manliligaw ko na unang nasuntok ko rin" natatawang sabi ko.
"I still remember that. Do you want to repeat it?" nakangising tanong niya.
"Sira ka talaga" ani ko, kaya ko siya sinuntok kasi noon hinalikan niya ko siya kaya ang first kiss ko.
"You stole my first kiss" masungit na sabi ko
"HAHAHAHA, ayoko gawin 'yon kahit gusto kita noon ayokong halikan ka basta basta, napilitan lang ako kung hindi ko ginawa yon baka may mangyari sayong hindi maganda."
Na kidnap ako diyan, nagulat nalang ako nung may nagtatanggal na ng tali sakin tapos nakita kong siya. ang problema nahuli kami.
Nakipag pustahan siya sa mga sindikato pinalabas niyang girlfriend niya ko kaya sumabay nalang din ako dahil nung araw na yon muntik na kong ma r**e at sobrang thankful ako nandoon siya.
Grabe yung kaba ko nung nakipag pustahan siya kapag nanalo siya sa laban hindi ako gagalawin at makukuha niya ko mula sa mga sindikato, pero kapag natalo siya buhay niya ang kukunin nila.
"Pero thank you, sobrang thankful ako na nandoon ka kasi kung wala ka, malamang---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng pinutol niya.
"Ok lang, matagal na 'yon" sabi niya saka tumayo at tinapik ang ulo ko.
Napatingin siya sa tiyan ko lumuhod siya saka ito hinawakan "Hello baby, wag kang maglilikot sa tiyan ni mommy ha, wag mo siyang pahirapan." napangiti ako sa sinabi niya
"Opo, Ninong" nakangiti kong sagot
"Ninong ako ha, Angela!" natawa ako.
"Oo naman"