Chapter 1

596 Words
ANGELA'S POV "Doc, ano pong lagay ng kapatid namin?" rinig kong tanong ni Kuya Alvin. "How's the baby?" Nang marinig ko ang tanong ni Kuya Anthony ay napabangon ako bigla ngunit napahawak ako sa ulo ko ng sumakit ito, agad na lumapit sa 'kin si Kuya Adrian. "Wag ka munang tumayo, magpahinga ka muna" sabi ni Kuya Adrian pero hindi ako nakinig. "D-doc, a-ang a-anak ko Doc?" Nauutal na tanong ko wala naman sanang mangyaring masama sa anak ko hindi ko kakayanin, mababaliw ako. "Ok lang ang bata, stop stressing yourself Miss Angela masama sa bata iyan" nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang sinabi ni Doc. "Maiwan ko muna kayo" sabi ni Doc saka lumabas. "Who is the father of your child?" Malamig na tanong ni Kuya Adrian nangingilid ang luha ko, wag kang iiyak Angela. Napayuko ako paano ko sasabihing si Jaiden "Uulitin ko Angela, who is the father of your child?" malamig ngunit madiin na tanong ni Kuya Adrian. Umiling ako "H-hindi ko a-alam K-kuya" nauutal ako "Imposible" hindi makapaniwalang sabi ni Kuya Adrian kaya napayuko akong lalo. "Ano ba Kuya Adrian, Angela should not be stressed" Galit na sabi ni Kuya Anthony kay Kuya Adrian. "Magpahinga ka nalang muna Angela" si Kuya Alvin saka ako dahan dahang pinahiga at kinumutan hinila naman ni Kuya Alvin sila Kuya Adrian at Kuya Anthony palabas. Nang isinarado ni Kuya Alvin ang pinto bumagsak ang kanina ko pang pinipigilang luha. Napatingin ako sa cellphone ko kaya kinuha ko ito saktong pag bukas ko photos puro picture namin ni Jaiden ang nandito. Napangiti ako ng mapait at tahimik na lumuluhang nakatingin sa litrato nakangiti ako dito samantalang naiinis si Jaiden . Ito yung nagseselos siya kay kuya Alvin.... FLASHBACK "Umalis ka nga sa harapan ko" naiinis na sabi ko. "You are jealous love?" Nakangiting tanong niya sa 'kin kaya napairap nalang ako sa kawalan bakit ako magseselos sa secretary niya. Secretary lang siya, girlfriend ako! "Hindi, hindi ako nagseselos" "You are" Ah talaga naman sinusubukan talaga ako nitong si Jaiden Tinuro ko siya "Ikaw, lumayas layas ka sa harapan ko at naiirita ako sa pagmumukha mo!" malakas siyang tumawa sa sinabi ko dahil sa inis ko ay kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang picture namin ni Kuya Alvin naka akbay siya sa 'kin dito. Napatingin ako kay Jaiden ng bigla niyang hinablot ang cellphone ko. "Who's that?" pag tripan ko nga "Yan ang ipapalit ko sa 'yo" "W-what, d-diba ako lang yung m-mahal mo?" Nauutal na sabi niya "Hindi na kita mahal" kunwaring nagagalit ako pero ang totoo pinipigilan ko lang ang tawa ko. "Mukang close na close kayo" may bahid ng inis ang boses niya. "Selos ka?!" Wag mong sabihing pinag seselosan niya ang kuya ko. "Oo nagseselos ako, Angela" mahinang sabi niya sapat na para marinig ko. Malakas akong tumawa dahil sa sagot niya "Pinag seselosan mo si Kuya HAHAHAHAHA" "W-what the f*ck, kuya mo yan" sabi niya kaya at tumango ako. "Alam mo para kang baliw" natatawang sabi ko "Matagal na" "Inaamin mo?" Nakangiti kong tanong "Oo, inaamin kong baliw na baliw ako sayo" naubo ako sa sinabi niya nasan na ang mala yelong Jaiden na kilala ko nag iba na ang ihip ng hangin. "You're blushing, love" H-hindi ah" giit ko kahit totoo naman END OF FLASHBACK Binura ko ang lahat ng litrato niya sa cellphone ko. Magpakatatag ka Angela, wag kang maging mahina para sa baby mo. Napahawak ako sa tiyan ko "Pasensiya na baby, dahil mukhang wala kang kakalakihang tatay" sabi ko habang patuloy na naglalandas ang luha ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD