CHAPTER 5 “Greg. Ako ang nagkamali, ako ang nagkulang kaya ako dapat ang humingi ng tawad sa’yo. Gusto kong balikan ka pero tumatanggi na ito.” Itinuro ko ang puso ko. “At alam kong kapag ayaw na ne’to, hindi na tayo magiging okey pa at baka darating sa puntong lalo lang tayong magkakasakitan. Kaya habang kaya pa sana nating maging magkaibigan, habang nirerespeto pa natin ang isa’t isa, mas maiging palayain kita at ganoon ka rin sana sa akin kasi pwede pa tayong magkaibigan ngayon ngunit kung ipilit nating magsama baka yung sakit na malilikha natin sa isa’t isa ay mauuwi sa pagkamuhi. Ayaw kong kamuhian kita. Ayaw kong tuluyan ka rin sa aking mawala kasi napakalaki ng bahagi mo sa buhay ko gusto kong pagyamanin iyon. Gusto kong manatili sa isip ko ang masasaya nating mga alaala.” Tumayo

