CHAPTER 8 May natanaw akong isang bahay kubo sa baba ng matarik bundok sa likod ng aking bahay. Sa sobrang bagot ko ay umaasa akong baka lang may nakatira doon na lihim kong makausap sa tuwing nababagot ako. Nang marating ko ang kubo ay bumaba ako at itinali ko ang aking kabayo. “Tao po!” may kalakasan kong pagtawag. Walang sumasagot. “Tao po!!!” mas malakas na. Hanggang sa mula likod ng bahay ay may lumabas na isang lalaki. “Anong maipaglilingko ko sa inyo mister?” buo at lalaking-lalaki na boses. Nakahubad ng pang-itaas. Sa tantiya ko, halos kaedad ko lang siguro. Una kong napansin ang kanyang mga matang nangungusap. Oo nga’t maskulado, kayumanggi at halatang batak ang katawan sa bukid ngunit taglay niya ang napakaguwapong mukha. Parang nililok ang perpekto niyang ilong, na bina

